Heart Evangelista tells all: Marian Rivera threatened her and was twice confronted in a room during the Temptation Island shoot in Ilocos!

ADVERTISING

Heart Evangelista tells all: Marian Rivera threatened her and was twice confronted in a room during the Temptation Island shoot in Ilocos!

Heart Evangelista tells all: Marian Rivera threatened her and was twice confronted in a room during the Temptation Island shoot in Ilocos!SA TELL ALL presscon na ipinatawag ng kampo ni Heart Evangelista kahapon, emosyonal na ikinuwento ni Heart ang totoong nangyari sa shooting ng Temptation Island sa Ilocos.

ADVERTISING

“Naikuwento ko lang na excited akong makasama si Dingdong (Dantes) sa isang project, du’n na po siya (Marian Rivera) nagsimulang magalit.

“Sinugod niya ako sa kuwarto nang dalawang beses at kung anu-ano ang mga sinasabi niya. Nakakatakot. Ako kasi… pinagbabantaan na niya ako na isang text lang daw niya sa mga fans niya, papatayin na daw ako ng mga iyon. Du’n talaga ako sobrang natakot.”

Wala pa naman daw silang balak magdemanda, pero pinag-aaralan na raw ng mga abogado niya.

ADVERTISING

 

DUMALO NAMAN KAMI sa Sexiest Man in The City na ginanap Noong Martes sa isang bar sa Quezon City. Umapaw ang venue sa dami rin ng nanood. Siyempre, karamihan ay mga kapatid sa pananampalataya.

In fairness, guwapo at matitipuno ang halos lahat ng mga kasali. Isa sa mga guest nang gabing ‘yun ay si Paolo Avelino at napagbigyan naman tayo nang maiksing panayam.

Sa ngayon daw ay wala pa siyang nakalinyang proyekto sa GMA, pero may mga pinag-uusapan na naman daw at hindi pa niya puwedeng sabihin. Pero nang tanungin namin siya tungkol kay LJ Reyes at sa kanilang anak, ay tanging, “no personal questions please,” ang kanyang sagot.

Kaya naman nagtataka kami. May problema nga ba sila at ayaw niyang pag-usapan ang ina ng kanyang anak? Nagtatanong lang po.

Heart Evangelista tells all: Marian Rivera threatened her and was twice confronted in a room during the Temptation Island shoot in Ilocos!

BLIND ITEM: KINSA Siya? Sino itong sikat na male youngstar na laging kinukuwestiyon ang gender ang diumano ay super in love sa ngayon, hindi sa babae ha? Kundi sa isa ring lalaki.

Ang siste ng aming baklitang katsukaran, tuwing may bakanteng oras daw itong si youngstar ay palihim daw itong pumupunta sa Pampanga upang makipagkita sa kanyang lovey dovey na isa ring lalaki. Dahil kilala nga at may pangalan na rin sa showbiz, very protective daw itong kanyang lovey dovey, dahil itinatago niya rin ito sa kanyang pamilya roon. Kaya sa isang bar sila laging nakikitang nagla-loving-loving.

So ito ba ay pagkumpirma na isa nga siyang miyembro ng ikatlong lahi at natagpuan na niya ang kanyang sarili sa piling ni lovey dovey?

Nakakainggit naman si youngstar dahil, in fairness, super guwapo daw talaga si lovey dovey. Ayan na, basahin n’yo simula hanggang dulo andiyan na ang clue!

 

Follow me on Twitter, @arnielcserato; e-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa ar-nielcserato@gmail.com
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING