Heart Evangelista, tatanda na raw sa Siyete, ‘di na babalik sa Dos

Heart Evangelista, tatanda na raw sa Siyete, ‘di na babalik sa Dos

Heart-EvangelistaA CO-WORKER asked if we could investigate kung totoong babalik si Heart Evangelista sa ABS-CBN, this after stumbling upon a blind item in a widely read broadsheet. Ayon sa sumulat, the subject—believed to be Heart—ay babalik muli sa kanyang tahanan dahil meron umanong humaharang sa mga proyekto ng aktres.

Dahil aligaga with their wedding preparations, it wasn’t until sa January 17 episode ng Startalk nang muling bumulaga ang isa sa mga host nitong si Heart in a body-hugging printed one-piece dress.

Dahil feeling separated at birth sila (chos!), kinausap namin ang manager ng aktres, si Seb Mendoza, citing our reference to the blind item.

Categorically, hindi raw totoong Heart is going back or intends to go back to ABS-CBN. In fact, ipinagbigay-alam pa nga ng kampo ni Heart sa GMA when they met up with Mr. M (Mr. Johnny Manahan) noong nasa planning table pa lang ang remake ng Pangako Sa ‘Yo, with either Jean Garcia’s or Eula Valdez’s role na ibibigay kay Heart.

However, Heart politely declined the offer, saying she’s happy with GMA that takes good care of her. Idinagdag pa raw ni Heart that she imagines herself getting old with the Kapuso Network.

 

ISANG KA-ISTASYON si Lester who during a lazy afternoon came up to us para i-release lang ang mabigat na pasanin sa kanyang dibdib.

Si Lester ay dating malapit sa ngayo’y misis na ni Dingdong Dantes (nagpapaka-consistent lang kami with the no-mention of her name), na noong ikasal last year, his (Lester’s) close friends kept bugging him kung bakit wala siya sa naturang okasyon. “Akala ba namin, close kayo ni (name of the actor’s wife), bakit wala ka sa wedding?”

Kumbaga sa libro, this was Lester’s foreword sa sinimulan niyang litanya sa amin, kasabay ng mga dahilan that would justify his ill feelings that pierced through our ears.

For sure, her fans would have a mouthful of invectives to say again laban sa amin, with their preconditioned minds na porke we have an axe to grind ay gagatungan pa namin si Lester. No, this is NOT issue between me and her, kundi tungkol sa isang dating malalim na samahan, almost sisterly, that suddenly went kaput.

‘Eto lang ang sinabi namin kay Lester para gumaan ang kanyang pakiramdam. Move on. Be thankful. Mas alam mo na ngayon ang pupuhunanan mo ng iyong pagmamahal bilang kaibigan.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III