Heart Evangelista, target magka-baby next year

Heart Evangelista, target magka-baby next year

 

Heart-EvangelistaNU’NG NAG-STARTALK kami nu’ng Sabado, excited si Heart Evangelista na ikinukuwento sa aming lilipad sila ni Sen. Chiz Escudero patungong Japan, at doon daw sila mag-Holy Week.

Bale isa na naman ‘yun sa mini-honeymoon nila dahil wala pa talaga silang time na mag-honeymoon. Baka raw sa susunod na taon na sila mag-honeymoon na gagawin nila sa Europe.

Pero ang isa pang balak ni Heart sa susunod na taon ay magka-baby na sila ni Sen. Chiz.

Iyon daw ang target nila dahil mag-30 years old na siya, at gusto pa raw niyang masundan agad kapag mabuntis siya next year.

Type din nga ni Heart na magkaroon ng kambal dahil nasa pamilya naman nila ang kambal.

Iyon muna ang focus ni Heart sa ngayon, at wala pa sa isip niya ang eleksyon kung sakaling tatakbo si Sen. Chiz.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis