Heart Evangelista, survivor sa napakaraming kontrobersiya sa career

ADVERTISING

Heart Evangelista, survivor sa napakaraming kontrobersiya sa career

Heart-EvangelistaNOONG SATURDAY ay nasa studio kami ng Startalk sa bagong building ng GMA-7. Dumating si Heart Evangelista na blooming na blooming sa kanyang suot na kulay puting pantalon at pang-itaas. Wala siyAng masyadong burloloy, pero litaw na litaw pa rin ang kanyang ganda. Kailangang pansinin namin ang kanyang ganda, dahil hindi na nga siya bagets, pero palaban pa rin talaga ang kanyang byuti kumpara sa kung sinu-sino lang bagets na mga artista ngayon na hindi marunong mag-ingat sa byuti nila.

ADVERTISING

Kaya nga hindi nakapagtataka na mula sa pagiging magkarelasyon, hindi na nilubayan ni Senator Chis Escudero si Heart hangga’t hindi niya mapakasalan. Kakaiba rin ang sigla ng Tsinitang aktres ngayon, kaya halata siya sa pagiging buhay may-asawa. Hindi pa rin naman kasi siya nagbubuntis, kaya ang kaseksihan niya ngayon ay mukha pa rin siyang dalaga.  Kaya nga hanggang sa ngayon ay mabenta pa rin siyang product endorser.

Napaka-strong naman kasi ng personality ni Heart, kaya kahit napakarami na niyang kontrobersiyang dinaan sa kanyang personal na buhay maging sa kanyang showbiz career, nalalampasan niya talaga lahat iyon. Kakaiba ang kanyang tapang, kaya nga kahit nagkakaroon sila kung minsan ng hidwaan ng kanyang mga magulang, ay nakakaya niya iyong mapaglabanan.  Kahit sa career, survivor din talang matatawag ang wife ni Sen. Chiz. Ganu’n ka-bongga ang Tsinitang aktres.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING