Heart Evangelista, sinorpresa ni Sen. Chiz Escudero sa bridal shower

Heart Evangelista, sinorpresa ni Sen. Chiz Escudero sa bridal shower

Heart-EvangelistaChiz-EscuderoSINORPRESA PALA ni Sen. Chiz Escudero si Heart Evangelista sa bridal shower na binigay ng GMA 7.

In-organize ito ng grupo ng Startalk para sa co-host namin siyempre. Touched na touched naman si Heart nang dumating ang mga close friends niya sa showbiz at non-showbiz na rin.

Dumating din ang sister ni Heart na si Camille at nahihiya pa nga itong magsalita dahil hindi naman siya sanay sa ganu’ng showbiz event.

Nandu’n din ang sister-in-law to be niyang si Dette na type na type pala si Heart para kay Sen. Chiz.

Nagbigay sila ng regalo at mensahe para sa Kapuso actress na ikinatuwa niya nang husto.

Pero bago matapos ang party, dumating si Sen. Chiz para makibahagi sa party na ‘yun.

Hindi na ito ‘yung typical na bridal shower na merong stripper at mga girls lang ang dumarating, Meron na ring mga boys, dahil ang iba siyempre mga kaibigan niyang bading.

Pero nagulat nga si Heart nang dumating si Sen. Chiz na may dalang bulaklak para sa kanya.

Tuwang-tuwa naman ang mga bisitang dumating at kinilig sa sweetness ng dalawa.

Ikinuwento na rin doon ni Heart na talagang personal daw na inaasikaso ni Sen. Chiz ang kanilang kasal. Siya raw ang nag-aayos mismo pero sobrang tinipid daw ang mga gastusin na naintindihan naman daw niya.

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang kuwento namin sa bridal shower na ‘yun.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis