Heart Evangelista, sinisiraan sa GMA ng pakawalang blogger

Heart Evangelista, sinisiraan sa GMA ng pakawalang blogger

Heart-EvangelistaISANG MALAKING sampal sa isang blogger named MJ de Leon masquerading as a legit writer ang in-upload ng isang kapwa blogger sa You Tube para pasinungalingan ang kanyang Instagram post na may sama ng loob si Heart Evangelista sa GMA.

The uploaded material was Heart’s interview by a group of bloggers invited to Startalk’s 19th anniversary episode last November 8, courtesy of a certain Greg Pontejos. Tumagal nang 9:34 ang video na ‘yon, kung saan nowhere in that material did Heart in any way imply nor categorically state na may tampo siya sa istasyon for some reason.

The height of irresponsible journalism ang pinairal ng MJ de Leon na ‘yon, na tumingala lang yata sa kisame, nakakita ng gumagapang na butiking labas-masok ang dila para makadagit ng kulisap, and voila, nakaimbento na siya ng kuwento!

We wouldn’t discount the possibility na pakawala ang MJ na ‘yon ng kabilang kampo in its desperate attempt para siraan si Heart sa network that she has been most loyal to. Common sense would dictate na lang, has Heart ever badmouthed ABS-CBN na pinanggalingan niya after she had crossed over to GMA?

MJ dahlin’, review your Journalism 101. Mukhang bumagsak ka sa subject na ito, samantalang flat 1.00 ka naman sa Fiction Writing!

 

EXTENDED FOR another season ang Ismol Family as it enjoys strong marketing support. Hindi naman ito kasi kataka-kataka, after all, this sitcom is replete with family values and contemporary storylines.

This Sunday, kambal daw ang isisilang ni Majay, pero habang keri pa niya who’s in her seventh month of pregnancy ay patuloy ang negosyo niyang nilupak.

Samantala, may nakita naman sina Jingo at Bobong na nagsusukang bata na kasama ang nanay, si Aling Tess.  Ayon sa ina, nagsuka raw ang bata nang makakain ang nilupak na ibinenta ni Natalia. Nagbanta pa itong idedemanda kung sino’ng gumawa nu’n, basing in on the styro with Majay’s Nilupak on it.

Nang magbebenta na uli sina Natalia ay sasamahan sana siya ni Majay, pero inawat sila ni Jingo. Si Bobong na lang daw ang magtitinda.

Sa pagtitinda, nakasalubong uli nila si Aling Tess, tumakbo si Bobong kasama si Lance. Pero nasundan sila ni Aling Tess.

Ang ending: nagkaenkwentro sina Majay at Aling Tess. Nang pumasok sa banyo si Majay, ipinakita ni Mama A sa babae na malinis ang gawa ni Majay.

Pero sa banyo na nadatnan ng panganganak si Majay. Si Aling Tess pala ay kumadrona at siya ang tumulong sa panganganak ni Majay.

At ang most shocking, Majay gives birth to triplets! Don’t miss this Sunday’s episode of Ismol Family, 6:45 pm.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III