Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, naudlot ang bakasyon sa Amerika?

Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, naudlot ang bakasyon sa Amerika?

Heart-Evangelista-Chiz-EscuderoNAKU! MAUUDLOT nga kaya ang bakasyon nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista sa Amerika?

Ang alam ko this week aalis na sila pa-Amerika, kung saan doon na sila magpa-Pasko kasama ang mga anak ni Sen. Chiz.

Nu’ng nakaraang Sabado sa Startalk, parang nag-aalangan na si Heart na umalis kasi nga dahil sa bagyong Ruby na posibleng tatama sa Sorsogon sa lalawigan ni Sen. Chiz.

Nag-aalala siya dahil kung saang unti-unti na raw naayos ang Sorsogon pagkatapos itong sinalanta ng bagyong Yolanda, ngayon naman itong Ruby.

Kaya nag-aalangan si Heart na magsabing tuloy na tuloy ang bakasyon nila dahil hindi nga naman natin alam kung ano ang mangyayari pag sumalanta na itong si Ruby.

Mabuti at hindi naman gaano kagrabe ang dala ni Ruby sa Sorsogon kaya ewan ko kung matutuloy na sila.

Basta nu’ng huli naming nakausap si Heart pinag-uusapan pa raw nila ni Sen. Chiz.

Matagal na nilang pinaghandaan ang bakasyon na ‘yun kaya matagal-tagal ding hindi natin makasama si Heart sa Startalk.

Kung matutuloy ang alis nila, bago mag-New Year, babalik na sila at tsikahin na lang natin si Heart kung ano ang nangyari sa bakasyon.

Parang ready na rin naman ang aktres na mabuntis agad pagkatapos ng kasal nila ni Sen. Chiz. Bahala na raw si Lord.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis