Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, mga bigating negosyante ang mga ninong sa kasal

ADVERTISING

Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, mga bigating negosyante ang mga ninong sa kasal

Heart-Evangelista-Chiz-Escudero-WeddingISA SA aabangan n’yo sa Startalk sa darating na Sabado ay ang kasalang Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista siyempre!

Lumabas naman sa social media ang mga pictures na kuha du’n sa kasal nila sa Balesin Island. Ang dami ring dramang naganap doon at ilan lamang ‘yun sa mga sidelights na mapapanood n’yo sa Startalk.

Bongga ang wedding, pero sabi ni Heart simple lang daw ‘yun dahil tinipid daw ito nang husto ni Sen. Chiz.

Eh, kasi naman bongga rin ang mga ninong at ninang. Nandu’n na yata ang mga madadatung sa buong bansa, gaya nina Fernando Zobel, Ramon Ang, Lance Gokongwei, at marami pa.

ADVERTISING

Kuwento nga sa akin ng ilang taga-Startalk na nandu’n, may isang TV celebrity raw roon na wala siyang ginawa kundi tsika nang tsika sa mga esikolang ninong at ninang du’n.

Ayun napatid tuloy sa mga bulaklak na nakaharang doon. Muntik na nga raw tumimbuwang, na mabuti lang nasalo raw ng isang babaeng katabi niya.

Ilan lamang ‘yun sa mga namataan doon ng aming reporter.

Hindi nga raw napigilan ni Heart na maiyak dahil no show ang mga magulang niya sa kasal.

Lalo siyang naiyak nang binasa ng kapatid niya ang sulat mula sa Daddy nila. Sabi naman daw ng Daddy niya, kapag nakita raw niya kung gaano kamahal ni Sen. Chiz ang anak niya, siya na mismo ang kakatok sa kanilang pintuan para tanggapin ang senador sa pamilya.

Nandu’n naman ang mga kapatid ni Heart, kaya kahit papa’no napagaan naman ang pakiramdam niya.

Pagkatapos ng kasal ay back to work na raw silang dalawa. Kailangan nang bumalik ni Sen. Chiz sa Senado at si Heart ay makakasama na rin namin sa Startalk.

Medyo maingat lang daw siya ngayon sa mga projects na tatanggapin niya, dahil siyempre dapat may time siya sa kanyang asawa.

Congratulations sa bagong kasal!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING