Heart Evangelista, sa tinagal-tagal ng panahon, wala pa ring pagbabago

Heart Evangelista, sa tinagal-tagal ng panahon, wala pa ring pagbabago

Heart Evangelista
Heart Evangelista

Aminado kami na isa si Heart Evangelista sa iilan sa aming mga mahal sa showbiz. A former co-worker na aming nakasama nang matagal-tagal ding panahon, hindi mahirap magustuhan si Heart Evangelista for a number of endearing qualities.

May kunek din ang aming mga ninuno sa Tarlac, particularly in Paniqui.

Nang mag-text ang mabait na GMA CorpComm staff na si Ms. Marian Domingo inviting us to the press launch of “Juan Happy Love Story”—ang naughty primetime series nina Heart at Dennis Trillo to premiere on May 16—we had no compelling reason para hindi ‘yon siputin.

Ah, it’s been almost eight months since Heart and I severed our working relationship, nu’ng panahong kinansela sa ere ang Startalk. It was a welcome sight, ramdam pa rin namin that despite having lost contact ay walang nabago, Heart was genuinely sincere as ever.

Ganito rin katotoo ang kanilang sex comedy ni Dennis, bagama’t pilyo it doesn’t reek of indecency. Its sexual undertones tones in a comedic way are what sets it apart from the usual kalibugan stuff that one only gets to see on the wide screen.

Libog talaga? Eh, ‘di elya!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III