Heart Evangelista, natuto nang mag-yosi?!

ADVERTISING

Heart Evangelista, natuto nang mag-yosi?!

Heart Evangelista, natuto nang mag-yosi?!HINDI NATULOY ang pasabog na interview ni Angelica Panganiban noong Sunday sa The Buzz.

Pinagbawalan daw kasi ang aktres na magsalita pa about her break-up with Derek Ramsay. Nakinig naman ang young sexy actress kaya walang natuloy na interview.

Angelica dropped hints sa kanyang Twitter account na magsasalita na siya once and for all sa The Buzz about her break-up with Derek. She felt it was time to speak up dahil sari-saring tsismis na ang kumakalat about her.

Isa-isa nga niyang sinagot sa kanyang Twitter account ang mga tanong sa kanya ng fans, refusing to answer some of the questions as she is reserving her answer sa Sunday talk show.

ADVERTISING

Tama lang na pagbawalan si Angelica na magsalita about Derek. All they had is the past at too late na ang kanyang gagawing pagsasalita dahil matagal na silang hiwalay. It doesn’t make sense na ngayon pa siya magdadadakdak kung kailan matagal na silang hiwalay.

 

HEART EVANGELISTA was caught smoking daw and tongues started to wag.

According to the grapevine, may nakakita raw kay Heart na nagyoyosi kasama ang boyfriend niya. Actually, sabay raw na nag-i-smoke ang dalawa. This was after their dinner daw.

Not a few were surprised upon seeing Heart smoke. Parang hindi makapaniwala ang mga nakakita na naninigarilyo pala ang dalaga.

True ba ito, Heart?

Well, in the few instances na nakita namin at na-interview namin si Heart ay hindi namin siya nakitang naninigarilyo kaya parang ang hirap paniwalaang she’s into smoking.

Heart Evangelista, natuto nang mag-yosi?!

NAGMUKHANG ABS-CBN Awards ang katatapos na 26th Star Awards for TV. Humakot kasi ng 31 awards ang biggest network at parang tira-tira na lang ang napanalunan ng GMA-7.

Actually, sa bilang namin ay lima lang ang nagwagi sa GMA-7 at puro news and current affairs pa yata sila.

Not surprisingly, ang ABS-CBN ang itinanghal na best station ng Star Awards na siya naming karapat-dapat.

Hindi bale, sa ibang award-giving body naman ay tiyak na waging-wagi ang Siyete. Wanna bet?

 

FEELING NAMIN ay boyfriend na ni KC Concepcion si Pierre Emmanuel Plassart, isang French filmmaker.

Kaya lang, umaarte lang ang dalaga at ayaw pa itong aminin para nga naman the interest in her will not wane.

Nothing is quite interesting kasi kay KC ngayon. Kahit na nagpaseksi siya sa isang calendar ay hindi sapat iyon para pag-usapan siya nang husto.

What the public is interested ay kung meron na siyang bagong dyowa ngayon. Kung meron na siyang ipinalit kay Piolo Pascual.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING