Heart Evangelista, nakatikim na naman ng patutsada kay Annabelle Rama!

OLA CHIKKA! Thanks God it’s Friday! More chikka, more fun tayo! Naloloka ako kay Sharon Cuneta, dahil bumagsak talaga ang lola mo nu’ng birthday concert niya sa Araneta Coliseum. Kasi naman, ang lola mo, nakipagsabayan pang sumayaw kina Billy Crawford at RJ Jacinto. Kung ako sa kanya, kakanta na lang ako, ‘di ba?

Na-shock talaga ang mga ombre nu’ng makita nilang bumagsak ang Megastar. Nadulas at napaupo ang lola mo, masakit talaga ang naging eksena, ‘teh! Kumanta ka na lang kasi, ‘wag ka nang mag-dance pa. Buti na lang hindi ganu’n ka-super wildest ever ang nangyari sa kanya. Kasi malapit na ang grand finals ng kanyang show na Star Power. Baka naman pinauso lang ‘tong pagbagsak-bagsak na ito para maraming manood ng show… ha-ha-ha!

AT HETO NAMAN ang mas matinding chikka. Warla pa rin at galit na galit si Annabelle Rama kay Heart Evangelista. Ayan, ang tagal-tagal na ng isyu na ‘yan, hindi pa rin tumitigil ang lola mo. Eh, kasi naman, ayaw pa rin yatang tumigil ni young actress sa pagtataray.

Nu’ng nakaraang show kasi sa Party Pilipinas, dinedma niya ang kambal ni Richard Gutierrez na si Raymond. Ay, ang taray naman! Nagdededmahan, kaya nagulat tuloy ang lola mo, ‘di ba? Kaya ‘eto ang saying ng lola mo sa Twitter niya:

“Mga Dong at Day at sa lahat ng supporters ko, i have a blind item, taray……… dba? Sino itong starlet na wala pang napapatunayan sa kanyang naghihingalong career? Kundi hindi dahil sa akin siguro hanggang ngayon pakalat kalat na lang yan… Ang kapal ng mukha bine-blame nya ang anak ko di naman sya pinapansin. At least, di plastic ang anak ko. Sino ba naman kasi ang matutuwa sa ginawa nya sakin diba?? Aha-ha! Ayan, dapat kasi ang mga walang utang na loob ‘wag nang bigyan ng carrer…”

‘Yan lang naman ang say ng lola mo… kaloka, ‘di ba? Ayaw pa ring paawat, kahit sa Twitter lang niya ibubuhos ang nararamdaman niya. Pakkk!

BLIND ITEM: SINO siya? Sinech itech na talagang mga dalagang ina at binatang ama na napapabalita dati na sila na nga at inamin na nila sa publiko na talagang maganda ang samahan nila kahit flopsina na ang kanilang pelikula nu’ng nakaraang MMFF?

Kaloka, ‘di ba? Nagbigay agad ng clue… napapabalitang nagsasama na raw talaga sa isang bubong or you mean to say live in na daw sila… keri boom boom lang naman, ‘di ba? Kasi parehas naman silang single at parehas silang binatang ama at ina kaya walang masama dun, ‘di ba?

‘Yan na… mahulaan n’yo kaya? Siyempre kung hindi n’yo mahulaan, makinig na lang kayo sa programa ko kasama ang aking anak na si lady Camille simula Lunes hanggang Biyernes, 11:30 umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa DWSS 1494 KHZ. At tuwing Linggo sa programa ko sa DZRH, 2:30 pm to 3:30 pm. Pakkk! Badjaooo! GOBLESS US ALL!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleMocha Uson, ‘di mapipigilan ang sextrip sa kapwa babae
Next articleKC Concepcion, umiyak dahil kay Piolo Pascual?!

No posts to display