Heart Evangelista, nadala na sa pambubuking kay Alessandra de Rossi

ADVERTISING

Heart Evangelista, nadala na sa pambubuking kay Alessandra de Rossi

Heart-EvangelistaMAGPU-PROMOTE NA rin siguro si Heart Evangelista sa Startalk sa Sabado ng pelikula niyang Trophy Wife na magsi-showing na sa July 30.

ADVERTISING

Kailangan na rin kasing sagutin n’ya ang isyu nila ng bestfriend niyang si Alessandra de Rossi na nagtampo raw sa kanya dahil sa ibinuking ni Heart ang relasyon nito kay Sid Lucero.

Ayaw lang magsalita ni Alessandra, dahil ayaw na lang daw niyang pag-usapan pa ang tungkol sa kanila ni Sid.

As much as possible, mas gusto niyang tahimik lang ang lovelife niya. Para kung mag-break nga siguro, at least wala na ring nakaaalam.

ADVERTISING

Sabi naman ni Heart sa presscon ng Trophy Wife, okay naman daw sila ni Alessandra de Rossi.

Nagkausap daw sila at sinabi lang daw na hindi ito galit sa kanya, at ayaw na lang daw niyang pag-usapan pa ang tungkol sa personal niyang isyu.

Kaya sabi ng co-host ko sa Startalk, sa susunod daw kapag isyu ng mga kaibigan niya, “no comment” na lang siya.

Sinabi nga niyang mahirap daw pala ang mag-host ng isang showbiz talk show, dahil siyempre kapag involved ang mga kaibigan mo na may isyu, alam mo ‘yun at hindi puwedeng wala kang i-share.

Kaya ewan ko lang kung kaya niyang mag-“no comment” na lang, lalo na kung may alam ka.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING