Heart Evangelista, naayos na ang mga gusot sa buhay

ADVERTISING

Heart Evangelista, naayos na ang mga gusot sa buhay

Heart-EvangelistaHAPPY TALAGA ngayon si Heart Evangelista, dahil maraming mga mumunting gusot sa kanyang buhay ang isa-isang naayos sa tamang panahon. Magaling lang talagang magdala ang magandang Kapuso actress, pero ikinalungkot din niya dati na sa pagpapakasal nila ni Senator Chiz Escudero, meron pang mga mahahalagang tao sa kanyang buhay na hindi maayos ang kanyang relasyon, dahil sa mga tampuhan.

Pero nadaan naman ni Heart sa dasal ang mga iyon. Ilang buwan pa lang pagkatapos ng kasal nila ni Sen. Chiz, nagkakaayos na sila ng kanyang mommy. Hanggang sa kung anuman ‘yung konting nagpapalungkot sa aktres, lalo na ang tuluyang pagtanggap ng kanyang mga magulang sa lalaking kanyang pinakasalan ay maging maayos. Unti-unti, nangyari rin iyon, kaya ang kasunod na noon ay ang sobrang saya ni Mrs. Escudero.

Very supportive si Sen. Chiz sa movie career ni Heart, kaya naman ang isa sa mga bida ng teleseryeng Beautiful Strangers ng GMA ay walang aberya sa kanyang kaabalahan ngayon, dahil mayroon na rin siyang mga gagawing pelikula sa Viva Films. Tinitiyak naman kasi ng magandang aktres na mayroon siyang magkasabay na panahon sa kanyang husband at sa kanyang pag-aartista. Ayaw niyang masabi ng ibang tao na inaabuso niya ang kabaitan ng senador, dahil maluwag siya nitong pinapayagan sa kanyang pag-aartista.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING