Heart Evangelista, may proposal na mula kay Sen. Chiz Escudero?

ADVERTISING

Heart Evangelista, may proposal na mula kay Sen. Chiz Escudero?

Heart-Evangelista-Chiz-EscuderoANG ISANG abangan n’yo sa Startalk bukas ay ang pagbabalik ni Heart Evangelista sa Startalk.

Tingnan natin kung ano ang kuwento niya sa ilang araw na bakasyon nila ni Sen. Chiz Escudero sa Europe.

Kasi ang inaabangan ay ang sinasabing proposal daw ni Sen. Chiz kay Heart. Pero mukhang wala namang proposal na nangyari. Ewan ko kung balak ba siyang pakasalan ni Sen. Chiz o baka gusto lang talaga siya sorpresahin.

Tingnan natin kung ano ang kuwento ni Heart tungkol diyan.

ADVERTISING

Ang isa pang ikukuwento ni Heart ay kung ano ang nararamdaman niya sa pagkakaroon ng sakit na cancer ng nanay-nanayan niyang si Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Marami ang nagulat sa rebelasyong ‘yan ni Sen. Miriam kamakailan lang. Ewan ko kung ‘yun ang dahilan nang pag-repost ni Heart ng litrato nila ni Sen. Miriam na ipinost noon ng senadora.

I’m sure apektado ang aktres dahil sobrang close ‘yan kay Sen. Miriam.

Abangan n’yo na lang kung ano ang mga sasabihin n’ya sa Startalk bukas.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING