Heart Evangelista, may pagkataklesa rin

ADVERTISING

Heart Evangelista, may pagkataklesa rin

Heart-EvangelistaABANGAN N’YO bukas sa Startalk kung ano ang isasagot ni Heart Evangelista sa irita ni Alessandra de Rossi.

ADVERTISING

Ang kuwento sa amin, nairita raw si Alessandra sa pagbuking ni Heart na sila na ni Sid Lucero.

‘Di ba na-link din si Heart dati kay Sid? Pero wala namang may umamin sa kanila.

Pero bago umamin sina Sid at Alex, naunahan na sila ni Heart.

ADVERTISING

Binanggit kasi ‘yan ni Heart sa Startalk nu’ng in-interview ko si Lovi Poe na inamin niyang sila na ni Rocco Nacino.

Hindi raw nagustuhan ni Alex ang pagbuking ni Heart kaya nu’ng gusto na siyang interbyuhin ng Startalk, ayaw niyang magsalita.

Ang sabi lang ni Alessandra, si Heart na lang daw ang magsalita tungkol sa kanila. Siya naman daw ang nagbuking.

Alam ko, hanggang ngayon hindi pa nagkausap sina Heart at Alex, pero siguro nagtampo lang ‘yan. Mag-bestfriends naman sila, eh.

Tingin ko diyan, iyan ang mga natanong kay Heart sa presscon ng Trophy Wife.

Tingnan n’yo na lang sa Startalk bukas.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING