Heart Evangelista, matanda na para mag-decide para sa sariling kaligayahan!

ADVERTISING

Heart Evangelista, matanda na para mag-decide para sa sariling kaligayahan!

Heart Evangelista, matanda na para mag-decide para sa sariling kaligayahan!OLA CHIKKA now na! Oh yes, chikka na naman natin ang mga bonggang-bonggang nakakaloka talaga! At in na in ang chikka at usap-usapan kina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista, na naalala ko, nagsimula ang usap-usapan na ‘yan nu’ng nakaraan write-up ko.

Ito na nga ang eksena, ipaalala ko lang, ngayon nga, pati si Sen. Miriam Defensor Santiago, ang nagsilbing bugaloo (read: matchmaker) para magkaigihan ang dalawa. If you are ignorant kung bakit umeepal si Ateh Miriam, it’s bacause mag-BFF sila ng payatolang aktres.

Naloka talaga ako to the highest level. Sinakyan. Pinaharurot. Sinawsawan ng lokal na media bilang isang nakababagabag at alog-tutuleng balita ang pagtutol ng mga magulang ni Heart sa relasyon nito kay Sen. Chiz. Matigas ang kanilang panawagang huwag nang pakialaman pa ng senador ang kanilang anak. Mayroon pa silang mga pasabog na si Escudero diumano ay lasenggo at bargas ang pag-uugali.

Meron talagang video interview ang parents ni Heart na sina Liver at Pancreas (chos!) na para magkuwento para maging isang balita. Hindi balita ang namamagitan kina Heart, Chiz, at mga Ongpauco… ito ay isa lamang isolated case ng isang target ang Pilipinas ng isang missile attack.

ADVERTISING

Parang hindi nila alam na sa tandang bente-ocho ng kanilang patpating anak ay malaya na itong pumili kung sino ang gusto niya. Maari na rin itong magpakasal kahit walang basbas mula sa kanila. Meaning, she is her own person and interfering with her personal life is deemed inappropriate.

Eh, ano naman kung lasenggo at bargas si Chiz? Basta ang masasabi ko lang, iba ang pagkakakilala ko kay Chiz dahil nakasama ko na ito. Kaya puwede rin akong mag-comment sa kanya na hindi totoo ang mga sinasabi sa kanya. At for sure na kay Heart naman talaga nag desisyon kung ano ba talaga ang pipiliin niya. Tama nga ang sinabi niya na nasa partner niya ang desisyon kahit mahirap para kay Heart na papiliin kung ang magulang o mahal niya sa buhay. Pero para sa ngayon, accept the fact na lang dapat… kasi in public, magiging ganyan ang eksena…

 

AT ANOTHER chikka naman ang mga nakakalokang chikka na ayaw magpaawat ang usap-usapan ngayon na awayan nina Kris Aquino at James Yap.

Kung ako na naman ang tatanungin sa isyung ito, hindi talaga ako paaawat sa nararamdaman ko at gusto kong sabihin dahil nakawiwindang talaga ang mga eksena. At kahit papaano, pag nasa tama naman si Kris ay alam niyang sa kanya ang komento. Kaya lang this time, parang mali na naman ang mga tinatahak nila.

Hindi ba niya alam ang tama o mali bilang isang babae? Dapat hindi na pinaabot sa media. At parang nangyari na ‘yan. Last 2003 nu’ng iyak nang iyak din siya sa issue nila ni Joey Marquez, ang kasama niya si Tita Cory. Ngayong patay na si Tita Cory, mga kapatid naman niyang sina Pinky, Ballsy and Viel.

Tama na, sobra na, nakakaumay na! Kung gusto niyang mag-resign, walang pumipigil sa kanya. Gano’n din ang sabi niya noon, ‘di ba? Almost the same banana.

Sabi nga nu’ng nabubuhay pa si Tita Cory, tama na, sobra na, itigil na ang iyak-iyak, ikaw naman ang nasusunod at nakakaalam sa mga sinasabi mo. What Kris wants, Kris gets. Lalo na’t nakaupo pa rin ang kapatid niya. Sigurado ako, mas maraming masasabi si Korina Sanchez, kung magpapakatotoo lang siya. Kasi sabi nga niya, marami siyang dalang rosary galing Roma. Magdasal tayo at kung sino ang gustong bigyan niya, wala siyang comment. Kasi alam ko hindi sila in good terms ni Koring. Say mo, Kris?

 

AT SIYEMPRE para sa more chikka more fun kung nabitin kayo sa chikka ko, ‘wag n’yong kaligtaang panoorin ako o pakinggan sa DZRH, RHTV every Saturday na po, 12nn-1pm, kasama ko sina Lady Camille at Lady Ivy. At siyempre sa DWSS, daily, 11:30am. At ang programa ko sa London, every Saturday rin. Search lang po n’yo sa Skype: Pinoy Radio U.K. Simulcast po ‘yan sa Pinoy Radio Nordic at Pinoy Radio France.

‘Yan ang chikka ko ngayon, bago mag-Holy Week. Pahi-nga muna tayo, para sa pagbabalik after ng Holy Week, isang malaking pasabog na naman ng nag-iisang Tita Swarding!

 Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING