Heart Evangelista at Marian Rivera, napagkukumpara ang bridal showers

ADVERTISING

Heart Evangelista at Marian Rivera, napagkukumpara ang bridal showers

Heart-Evangelista-Marian-RiveraALAM N’YO ang wish ko lang sana talaga bago matapos ang taon, na magkaayos na itong sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Kasi hindi pa rin talaga tumitigil ang intriga sa kanila at lagi silang pinagkukumpara lalo na’t pareho silang ikakasal.

Ang nag-aaway tuloy, ang mga fans nila na talagang masigasig sa pakikipagtalakan sa social media. Nakakaloka na!

Ewan ko ba bakit parang halos magkapareho sila ng mga nangyayari sa kanila na tuloy naikukumpara.

ADVERTISING

Kagaya nu’ng nakaraang Linggo, magkasabay na naman silang nagpa-bridal shower.

Bale panglimang bridal shower na itong kay Marian na in-organize naman ngayon ni Manay Celia Rodriguez.

Ilan sa mga dumalo ay sina Lani Mercado, Manilyn Reynes, Ryza Mae Dizon, Annete Gozon-Abrogar at mga dati niyang classmates sa La Salle Zobel.

Si Heart naman ay first bridal shower sa kanya ‘yun na ang theme ay Boho-chic, kaya ganda-gandahan lang du’n si Heart.

Mga non-showbiz friends naman niya ang nagbigay n’un, dahil meron ding pinaghahandaan sina Lovi Poe, Solenn Heussaff at Alessandra de Rossi.

Dahil magkasabay ang bridal shower nila, hindi naiwasan tuloy na pagkumparahin na naman silang dalawa. Ayan tuloy, away na naman ang mga fans nila. Siyempre apektado rin ang dalawa.

Alam ko, open naman si Heart na magkaayos na sila ni Marian, pero ewan ko lang kay Marian. Kausapin ko nga ‘yan.

Abangan n’yo na lang sa Sabado ang kuwento ng dalawang bridal shower na ‘yan at siyempre, marami pa kaming tsika lalo na ‘yung bagong segment ni Joey de Leon na HoT o Hanga o Taga na nagkakantahan kami. Bongga ‘yun!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING