Heart Evangelista, kahit nagma-mature na, marami pa rin ang nagkaka-crush

Heart Evangelista, kahit nagma-mature na, marami pa rin ang nagkaka-crush

Heart-EvangelistaINUNAHAN NGA nina Lovi Poe at Heart Evangelista-Escudero ng pag-campaign ang tambalang Grace Poe at Chiz Escudero. Yes, dahil nga sa August 10 ang tambalang Lovi at Heart via seryeng Beautiful Strangers sa GMA 7.

Hindi pa natin alam kung kelan o magtatambal ba sa pagka-Presidente at Vice President ang dalawa.

Halatang excited sina Lovi at Heart sa kanilang bagong serye dahil nga bukod sa nag-e-enjoy sila dahil nga magkaibigang matalik ang dalawa ay very challenging  nga raw ang kanilang mga ginagampanang papel. At naging madalas ang kanilang pagsasama ngayon.

“Medyo nabawasan talaga ang time ng pagsasama namin. ‘Di tulad nu’ng dati noong dalaga pa siya. Pero ‘yung friendship namin, ‘di nawawala,” sey ni Lovi.

Sa totoo lang kahit na may asawa na si Heart ay marami pa rin ang humahanga sa kanya. Kahit na nga mga bagets natin ay very vocal na crush nila ang ang may bahay ni Senator Chiz, tulad nina James Reid, Iñigo Pascual, at marami pang kabataang actor.

“Happy and flaterred  naman ako kapag may naririnig  akong ganyan. Kahit na nagma-mature na e, marami pa rin ang humahanga,” sey niya.

At mismong si Chiz daw ay natutuwa kapag may mga nagka-crush pa rin kay Heart.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!