Heart Evangelista, itotodo na ang pagtanggap ng daring roles

Heart Evangelista, itotodo na ang pagtanggap ng daring roles

Heart Evangelista
Heart Evangelista

Perhaps if she were single ay bantulot si Heart Evangelista na gampanan ang papel bilang Happy, ang may pagka-daring na misis sa aabangang primetime series sa GMA, ang “Juan Happy Love Story”.

Asawa roon ni Heart Evangelista si Juan played by Dennis Trillo, isang chick boy, na nakukuhang “lumandi” even if he’s married.

Heart takes on an offbeat role in “JHLS”, malayo sa kanyang mga karakter in the past. In one scene, Happy serves Juan his morning breakfast with literally her naked body na aalmusalin ng asawa. In yet another scene, laplapan din sina Juan at Happy.

Of course, Heart—already married to Senator Chiz Escudero—is now exposed to what a typical couple does, the sexy aspect to marriage included. Ito ang dahilan kung bakit without hesitation ay tinanggap ni Heart ang panibagong challenge na ito in her career.

“Nu’ng una, siyempre, naiilang ako because that was the first time I’d do the role. Si Dennis, relaxed lang. But eventually, I became comfortable doing the scenes kasi paulit-ulit lang. Besides, sabi ko sa sarili ko, kelan pa ‘ko tatanggap ng mga ganitong role? Itodo ko na, ‘di ba?” sey ni Heart at the press launch, kung saan after almost eight months ay muli kaming nagkita.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III