Heart Evangelista is excited in her TV project with Dingdong Dantes!

ADVERTISING

Heart Evangelista is excited in her TV project with Dingdong Dantes!

 

ADVERTISING

Heart Evangelista is excited in her TV project with Dingdong Dantes!PATULOY NA MAPAPANOOD si Heart Evangelista sa GMA-7 sa loob muli ng dalawang taon. After Dwarfina, muli itong gagawa ng primetime soap opera na may temang drama na sisimulan ang taping sa July 10, dahil mayroon na raw airing date, kuwento sa amin ng nanay ng aktres na si Mrs. Cecile Ongpauco na tumatayo ring manager nito.

Ayaw pang sabihin ni Mrs. Ongpauco kung sino ang magiging leading man ng kanyang anak sa susunod na TV project nito. Pero napilit namin si Heart na sabihin sa amin kung sino nga. Si Dingdong Dantes daw, kaya excited na ito.

Wala naman daw dapat ipagselos sa kanya ang girlfriend ng aktor na si Marian Rivera ‘pag nagkasama na ang dalawa sa trabaho. Pero hindi pa raw naikuwento ni Heart kay Marian ang tungkol dito, kahit magkasama sila sa pelikulang Temptation Island.

ADVERTISING

Masayang-masaya naman ang 25-year-old actress sa pagpirma n’ya ng two-year contract with Mother Lily’s film outfit Regal Entertainment, Inc. Ibig sabihin kasi, after Temptation Island, showing on June 22, may ilang movie projects pang gagawin si Heart for Regal Films.

In fact, may naisip agad na movie title ang Regal matriarch habang ka-tsika namin s’ya with Heart, Mrs. Ongpauco and Mother Lily’s successor, her daughter, Roselle Monteverde-Teo. Love, Must We Say Goodbye raw, kung saan baka puwede raw makatambal ni Heart, hindi lang ang kanyang current boyfriend na si Daniel Matsunaga, kundi pati ang kanyang ex-boyfriend na si Jericho Rosales.

Hindi naman makaimik si Heart sa idea ni Mother Lily. All she could say was, “Oh, my gosh!” na tila nahihiya o hindi kumportable sa kanyang narinig, lalo na’t katabi n’ya ang kanyang mommy during the tsikahan.

Pero para sa mag-ina, kung sino man ang gustong ipareha ni Mother Lily sa magandang aktres, okey lang sa kanila. After all, Mother (Lily) knows best.

 

MUKHANG TULUY-TULOY NA nga ang pagsikat ng baguhang actor na si JM de Guzman na isa sa leading men ni Lauren Young sa teleseryeng Mula sa Puso.

Bukod kasi sa acting, handa na ring sumabak ang baguhang aktor sa recording scene sa tulong ng aming kaibigang si Albert Sunga ng Ivory Music Philippines.

Actually, nang mapakinggan namin ang isa sa tatlong kantang nai-record na ni JM which is his original composition entitled “Carried Away” (which he composed for her non-showbiz ex-girlfriend in 2008), akala namin ay isang song na kinanta ng isa sa mga finalist ng American Idol (AI) this season. Tunog AI ang pagkakanta ng up-coming singer.

JM’s debut album is a 12-track collection of 10 revivals and two (2) originals which were both written by himself. Dalawa sa Tagalog revivals ng actor-singer ay ang first hit single ni Aiza Seguerra na “Pagdating ng Panahon” at “Yakap sa Dilim” ng APO Hiking Society.

 

HAPPY SILVER WEDDING anniversary to Senator Bong Revilla and Congresswoman Lani Mercado who are set to renew their marriage vows tomorrow, May 28 (their actual wedding anniversary), afternoon at the Shrine of St. Therese of the Child Jesus in Villamor Airbase, Pasay City.

 

HAPPY 10TH WEDDING anniversary to Aga Muhlach and Charlene Gonzalez tomorrow, May 28, also! Ngayong araw ang dating ng mag-asawa galing Singapore kung saan sila nag-celebrate ng kanilang wedding anniversary kasama ang kanilang mga anak na sina Andres at Atasha Muhlach.

Napag-alaman naman namin na magku-cruise sa bansa sina Ags at Char (palayaw nila) sa Linggo, May 29, kasama pa rin ang kambal nilang anak at iba pa nilang mga pamilya at ilang kaibigan gamit ang yate ng kaibigan ng una na si Willie Revillame. Noong Tuesday pa umalis ang pamilya ni Aga para magbakasyon sa Singapore.

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter: @francissimeon.
Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING