Heart Evangelista, inookray ni Raymond Gutierrez?!

ADVERTISING

Heart Evangelista, inookray ni Raymond Gutierrez?!ANO BA ‘YAN! Hindi pa rin matapus-tapos ‘yang isyu ni Heart Evangelista kay Annabelle Rama, dahil si Raymond Gutierrez naman ngayon ang nakakabangga niya.

Kasi naman, naging isyu nga-yon itong hindi nila pagpapansinan sa Party Pilipinas hanggang sa Showbiz Central nu’ng nakaraang Linggo.

ADVERTISING

‘Di ba matagal na iyang isyu nina Annabelle at Heart, nakakasama naman nitong huli si Raymond sa Party Pilipinas noon pa? Hindi nga sila magkasama sa isang segment pero may pagkakataong puwede silang magkabati roon, pero hindi naman nangyari dahil nag-iiwasan naman talaga sila.

Bakit ngayon, naging isyu na iyang pag-dededmahan nila?

Nagsumbong daw kasi si Heart sa isang kaibigan na hindi siya binati ni Raymond at pagdating naman sa Showbiz Central, naging biruan nila ng mga host ang tungkol sa mga ‘di namamansin.

ADVERTISING

Ang dating tuloy, parang pinariringgan ni Raymond si Heart na pagdededmahan nito nu’ng araw na ‘yun.

Ang sabi naman ni Heart, wala siyang masasabi tungkol sa parinig na ‘yun ni Raymond at baka hindi naman daw siya ‘yun. Puwede naman daw ideretso sa kanya at hindi na kailangang magparinig pa.

Sagot naman ni Raymond, may inside joke daw sila ng mga co-host niya sa Showbiz Central at sa kanila na lang daw ‘yun. Wala raw silang pinariringgan. Pero ewan ko lang, ha? Kasi siyempre, iisipin mo talaga na si Heart nga ‘yun.

Ngayon, lumala na ang kani-lang hidwaan at diretsong sinabi ni Raymond na sa Mommy niya siya kumakampi dahil nakita naman daw talaga niya kung paano ang hirap ng Mommy niya at ng buong pamilya para maibalik lang ang magandang career ni Heart.

Sinabi pa nga ni Raymond na siya ang nakiusap sa Mommy niya na tulungan si Heart at ito na ang kuning ka-partner ni Richard Gutierrez.

Obviously, masama rin ang loob ni Raymond sa desisyong ‘yun ni Heart. Si Heart naman ay masama rin ang loob, kaya ewan ko na lang kung magkakaayos pa sila.

Hay, naku! Sana iniwan na lang ang gulong iyan sa 2010. Hanggang ngayon patuloy pa ring pinag-uusapan at lalo pang lumalala.

HETO NAMAN, KA-CHEAPAN ang nabalitaan naming muntik na raw nag-away ang mga ina nina Bea Binene at Lexi Fernandez.

Si Maritoni Fernandez ang Mommy ni Lexi na alam naman ng lahat na palaban iyan. Kilalang-kilala ko naman ang Mommy ni Bea at mabait naman iyan, kaya  parang ayoko namang maniwalang makikipag-away iyan.

Ang tsika raw, narinig daw na sinabi ng Mommy ni Bea na dumistansya ito kay Lexi dahil malandi raw ito.

Kaya nakarating daw ito kay Maritoni at kaagad sinugod daw ito sa set ng Tweenhearts.

Pero hindi naman daw lumaki ang gulo dahil naayos naman sila agad. Kaya nu’ng in-interview ng Tweetbiz si Bea, itinatanggi na niya ito na may ganu’ng isyu.

Okay raw sila ni Lexi at ‘yung pumunta raw si Maritoni sa set nila, hindi para manugod kundi para dalawin daw ang anak niya.

Ewan ko kung ano talaga ang totoo. Pero kung wala namang bahid ng katotohanan iyan, bakit may lumabas na ganu’ng isyu.

Dedmahin na lang nga! Nagdi-deny na, eh!

Heart Evangelista, inookray ni Raymond Gutierrez?! Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING