Hulicam: Heart Evangelista, inirampa ang bagong BF?!

ADVERTISING

HINDI NA NGA yata maitatago pa ni Heart Evangelista ang nagpapasaya ngayon ng kanyang puso. Naispatan nga ng ating kamerang-gala si Heart last March 3 sa katatapos na Mode de Soleil: A Cocktail/ Fashion Show sponsored by Rogue Magazine na ginanap sa Campus Avenue, McKinley Hills, Fort Bonifacio, Taguig City.

Rumampa si Heart sa nasabing fashion show suot ang gawa ng fashion designer na si Solenn Heussaff

para sa TanGan, at inirampa rin ni Heart ang kanyang bagong boyfriend?

Ang tanong nga ng madlang kaparazzi, ang non-showbiz guy ba na kasama ni Heart ang nagpapatibok ng puso niya ngayon? Ito rin ba ang sinasabi ni Heart na kanyang first boyfriend na constant date niya lately na si Ian Dy? Hmmm… mukhang nagkabalikan nga sila, ah!

Ano ba talaga, Heart? Pakisagot nga ‘yan, please….

ADVERTISING

Photos by Mark Atienza

Hulicam
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING