Heart Evangelista, iniintriga ang ‘pagbubuntis’

ADVERTISING

Heart Evangelista, iniintriga ang ‘pagbubuntis’

Heart-EvangelistaOH, HERE comes another brickbat against Heart Evangelista, still comparing her recent pictorial sa isang aktres by a colleague.

Halos isang linggo lang kasi ang pagitan ng isinagawang wedding pictorial ng isang aktres at ni Heart for separate magazines. Hindi kami masyadong pamilyar sa lugar kung saan ginanap ang shoot ng aktres, all that we saw on TV was Heart’s creepy yet intriguing setting: sa sementeryo.

Again, the actress’s writer-defender wrote (hindi rito sa Pinoy Parazzi) na kesyo wala raw originality si Heart, considering na meron na nga raw previous wedding shoot ang pinoprotektahan niyang aktres. So, the writer sincerely thought na ipinatawag ni Heart ang magazine staff para ipiktoryal din siya dahil ayaw niyang pakabog?

Again, we stand our ground na ang mga ganitong artikulo in defense of the actress ay baka wala siyang kamalay-malay. Gusto naming isipin that because she’s too busy ay wala na siyang panahon para tawagan ang pulutong ng kanyang tsiwari-wariwap reporter-friends para bantayan at isulat ang bawat kilos ni Heart.

ADVERTISING

So, what if Heart, too, had a wedding shoot, eh, just like the actress, she’ll soon walk down the aisle? At ang da height, pati ba naman ang sinabi ni Heart na gusto niyang magbuntis agad pagkatapos maikasal kay Senator Chiz Escudero, hinaluan pa ng intriga?

Na kesyo the actress was the first to have announced it in public? Natural, pagkatapos ng kasal, magsisiping ang newly weds, so else is expected? Eh, ‘di mabubuntis ang babae!

Eh, kung ‘yun kayang mga tsiwar-wariwap reporter-friends ni Heart ang magyabang na, o, my pre-nuptial video sila ni Chiz, ha? Wala niyan ang aktres, therefore, hindi nanggaya si Heart!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING