Heart Evangelista inamin ang pag-audition para sa ‘Crazy Rich Asians’

HEART EVANGELISTA is one crazy rich Asian in real life. No wonder malakas ang usapan noon na isa siya sa mga kino-consider para sa iconic Asian ensemble film na ‘Crazy Rich Asians‘ at sa mga susunod na sequels nito.

Sa wakas ay sinagot na ni Heart ang million dollar question ng kanyang mga followers sa pamamagitan ng celebrity interview series Dr. Aivee Teo.

Heart Evangelista inamin ang pag-audition para sa 'Crazy Rich Asians'
Heart Evangelista

“I actually did audition talaga,” pag-amin ni Heart. “They were already in the last leg of their auditions. And I got a call. And I was like, ‘You know, sige na, might as well do it na,’”

Nag-audition si Heart para sa role na Aramintha Lee, ang heiress at asawa ni Colin Yoo na bestfriend ng lalaking bida na si Nick Young.

Pagbunyag pa ni Heart, nagpadala ito ng audition piece na mala-teleserye. Binalikan ito ng LA agent at sinabing nahinto raw ang video sa gitna kaya tinanong siya ulit kung puwedeng magpadala ulit ng isa pang video.

“They never came back.” ani Heart. Ang aktres na si Sonoya Mizuno ang nakakuha sa role.

Hindi naman masyado dinibdib ni Heart ang nangyari.  “For me, that’s huge coz I’ve been working for 24 years, tapos ngayon lang ako nagka opportunity.”

Kahit na ang pag-audition sa role na Aramintha Lee ay na-address na ni Heart, may mga usap-usapan pa rin na pasok si Heart sa ‘China Rich Girlfriend’, ang sequel ng Crazy Rich Asians. Si Heart Evangelista nga kaya ang gaganap na fashion blogger/heiress with an attitude na si Colette Bing? Mas bet namin siya sa role na ito!