Heart Evangelista, idinaan sa pagpipinta ang pagmumukmok!

ADVERTISING

Heart Evangelista, idinaan sa pagpipinta ang pagmumukmok!

Heart Evangelista, idinaan sa pagpipinta ang pagmumukmok!OLA CHIKKA to the maximum authority of chikka na talagang hindi nauubusan ng pasabog!

ADVERTISING

Natutuwa naman ako kasi marami ang nakaaalam na nitong column ko rito sa Pinoy Parazzi. Pati ‘yung sinakyan kong taxi, nagtatanong sa akin kung ano ba raw ang totoo roon sa sinulat ko kina Korina Sanchez, Karen Davila at Kris Aquino na may lihim na hindi pagkakaunawaan?

Sagot ko na lang, walang baho na hindi nabubulgar. Pagdating ng araw, sila-sila mismo, maglalabasan ng sama ng loob sa bawat isa. Matira ang matibay, ‘ika nga.

Pero teka, hindi ‘yan ang nasaisip ko ngayon. ‘Eto, nagulantang naman ako sa isang tabloid na sinasabing, ‘Sen. Chiz, habang busy sa pangangampanya… Heart may ibang kinalolokohan na naman’. Na kung hindi mo babasahin ang laman, makapag-iisip ka na naman ng masama kay Heart.

ADVERTISING

Kasi nga, katatapos lang ng patutsadahan ng kanyang mga magulang laban kay Sen. Chiz Escudero, na kung anu-anong masasamang ugali ang ibinibintang kay Chiz, na ikinalaglag nito sa survey. Pero naging matatag ang desisyon ni Heart na si Chiz pa rin ang kinampihan at ipinaubaya na lang ni Heart na darating ang panahong mareresolba rin itong gap nila sa kanyang parents.

Kaya nag-decide daw ito sa advice ng kanyang mga pinagkakatiwalaang kaibigan, kasi ayaw na niyang ma-stress at ma-pressure sa mga nangyayari. Kaya sa kasalukuyan ay abalang-abala si Heart sa pagpipinta or painting na kanyang bagong kinalolokohan. Kaya ito ang nagsilbing outlet ni Heart sa panahon na siya ay depress at nalulungkot. Na sa halip na maglasing magmukmok at mag-self-pity sa mga nagdaang problema sa kanyang mga magulang, idinaan na lang ni Heart sa pagpe-painting, habang ang kanyang BF ay busy at kasagsagan ng pangangampanya.

Kasama naman ni Heart ang kanyang mga kaibigan na nagpayo sa kanya para may pagkaabalahan sa bigat ng mga problema na kanyang dinanas nitong mga nakaraang araw.

Pero teka, si Heart kaya ang tinutukoy sa isang blind item na sobra raw ang kuripot nito na ‘pag kumakain daw ito, nagtatago sa isang sulok at ‘pag may natitira, ito na lang daw ang pinapakain sa kanyang mga friends at alalay? Pero parang hindi naman ako naniniwala kung si Heart ito. Kasi alam kong galing ito sa buena familia at sawa na ito sa mga masasarap na pagkain. Kasi sila ang may ari ng isa sa kilalang restaurant dito sa atin, maging sa ibang bansa, ang Barrio Fiesta.

Ang mga detractor nga naman, kahit ano, iniisip masira lang nila ang isang katulad ni Heart na parang nakatagpo na ng Mr. Right sa katauhan ni Chiz, na namang pilit ibinabagsak ng mga kalaban.

Nakarating nga sa akin na talagang sumama ang loob ni Chiz, kasi inilaglag ito sa kanilang partido kasama si Loren Legarda at Grace Poe na ang pinaghihinalaan, ang malapit na kaibigan ng mga magulang ni Heart na si dating Pres. Erap.

Hay, naku! Ang pulitika, kung didibdibin mo, mabubuwang ka talaga sa Earth, na magsisiraan, maibagsak lang nila kahit na anu- ano na lang ang mga ginagawang issue masira ka lang sa tao.

Kaya payo ko sa lahat ng nagtitiwala sa akin, kung sino ang alam mong makatutulong sa bayan at lalo na sa ‘yo, doon ka at magpakatatag tayo na ‘wag tayong padadala sa mga matatamis nilang kasinungalingan sa tao. Iboto ang karapat-dapat sa ‘yo at ‘wag padidikta.

Ay, tama talagang PSSST ang colum ko ngayon – pulitika, showbiz, sport, swarding, tsika. Kaloka! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING