Heart Evangelista: “I still love Echo, and I always will!” – Chit Ramos

ADVERTISING

Heart Evangelista: “I still love Echo, and I always will!” – Chit Ramos

ALAM KAYA NI Jericho Rosales na mahal na mahal pa rin siya ng ex-girlfriend niyang si Heart Evangelista?

ADVERTISING

Kung iintindihing mabuti ang pahayag ni Heart, hindi sila nagkaroon ng chance ni Echo na maibulalas niya ang dahilan kung bakit nakipag-break siya sa binata.

“I was shown all those pictures na ebidensiya na para sa akin ay mayroon ngang nangyari sa kanila ni Briana (‘yung foreign actress na nakasama ni Echo sa isang international film na syinuting dito sa ‘Pinas),”aniya.

“Puwedeng hindi naman pumatol si Echo, pero, ‘yung girl, mukhang openly na nagpi-flirt sa kanya. Just the same, I love my parents so much and I don’t want them to be unhappy. Tama na ‘yung sama ng loob that I gave them. Tama na ‘yung nangyayari ngayon. Kailangan unahin ang parents ko at kung talagang kami, our paths will cross naman someday. Eh, di magbubukas naman siguro uli ang pinto. But not now. I’m only 24 at gusto ko na munang maging single.”

ADVERTISING

Hindi na kami nakatiis na tanungin kung mahal pa rin niya si Echo.

“I still love him. And I always will!” Walang gatol niyang sagot. “Ang problema, para kaming characters doon sa movie na Hancock. Kapag nagkasama kami, parang magugunaw ang mundo. Parang  may sumasabog na kung anu-ano. Very compatible kami, but my parents never liked him. And I understand their reasons. Kaya nga, hindi kami puwede, kahit magkabalikan. Maraming dapat i-consider. I have hurt my parents enough,” sagot niya.

Inamin din ni Heart na nagkaroon sila ng pagkakataon lately na magkita ni Echo, mag-usap. But they were in the company of some friends na nanood ng movie. Kung ano man ang pinag-usapan nila, ‘yung closure, ‘yung pagbibigay nila sa isa’t isa ng liberty to look around.

“Yung guy na kasama ko noon sa Boracay (na-scoop sa Parazzi), hindi rin nagtagal. May parents didn’t like him either. Hindi nila nagustuhan ang ugali. At the moment, I’m dating someone. Pero, friends lang. Si Ian Dy, dati kong boyfriend. He was always there for me. But this time, malinaw ang usapan namin. Friends lang kami at ayoko na muna ang relationship.”

Sino ba ikako sa mga naging past boyfriends niya ang pinaka sa lahat-lahat?

“Siya!” muli ang walang kagatol-gatol na sagot.

Sino, ikako.

“Si Echo nga!” muli niyang sagot.

So. There’s a chance na magkabalikan kayo? “Not yet. Hindi ko alam. Pero, kung kami talaga, that’s what I’m saying, may magbubukas na path. Tingnan natin.”

INAMIN NI HEART ang malaking pagbabago niya. “I admit I was a super baby noon, lalo na sa Dad at Mom ko. But after my relationship with Echo, hindi na ako ma-arts (ma-arte). Natuto akong mag-ipon. Gusto ko ng makabili ng sarili kong properties.”

Balitang malaki daw ang talent fee niya sa Patient X, eh, ‘di sana malaki din ang maiipon niya sakaling itinuloy niya iyon after one week.

“It was like this po,” patuloy niya. “I shoot for the movie. Pero, ang daming nangyari. May scene doon na babarilin ako ni Richard ng 7 times. Ako kasi si Patient X doon at kailangan akong patayin. I’m sure naman psychological ‘yung na-experience ko. Pero, nakakatakot din. May pastor pa sa set, maraming freak accidents. Lapitin pa ako ng kung anu-ano. Parang may katabi akong tao na hindi makita. Nagkaroon ako ng pasa-pasa, nagsusuka. Pati yung aso ko, si Nikita, parang iba ang kilos. Natakot ako na baka mamatay. Maloloka ako dahil mahal na mahal ko rin si Nikita. Ayoko siyang ilibing, ayoko.”

Napag-alaman tuloy namin na kapag may namamatay silang pet, ipinagagawa din ng Dad niya ng sariling kabaong at inililibing sa isang lote nila sa Carmona (Quezon), with matching priest pa, pero, wala naman daw lamay o burol. Para maka-sure, nilagyan niya si Nikita ng scapular. Hayun, gumaling naman.

BULL Chit!
by Chit Ramos

ADVERTISING