Heart Evangelista, gusto nang pakasalan si Sen. Chiz Escudero

ADVERTISING

Heart Evangelista, gusto nang pakasalan si Sen. Chiz Escudero

Heart-EvangelistaPAGKATAPOS NG successful na one-woman exhibit ni Heart Evangelista, balak niyang magbakasyon sila ni Sen. Chiz Escudero sa Paris.

Baka sa susunod na buwan nila ito gagawin at ang inaabangan namin sa bakasyong ‘yun ay ang proposal ni Sen. Chiz kay Heart.Siyempre, tahimik lang muna si Sen. Chiz dahil surprise ‘yan dapat. Kaya lang lagi siyang napangunahan kaya ewan ko lang kung doon siya magpu-propose.

Ang sabi pa naman ni Heart, sasama lang daw siya sa isang lalaki sa Paris kung ito na ang pakakasalan niya. Kaya si Sen. Chiz na nga ito. Ang tingin ko pa naman diyan, parang gusto na talaga ni Heart na magpakasal para makabuo naman siya ng sarili niyang pamilya.

Nakikita naman natin na may isyu pa rin siya sa kanyang pamilya, kaya gusto na siguro nito magkaroon ng sarili niyang pamilya. Nag-emote nga ‘yan sa Startalk nu’ng nakaraang Linggo dahil Mother’s Day kasi, pero hindi niya nabati ang kanyang ina. Sabi niya kumplikado pa raw ang lahat kaya ayaw muna niyang magsalita.

ADVERTISING

Hindi naman daw siya puwedeng magsalita na ikasisira ng kanyang pamilya dahil mahal niya ang mga ito. Kaya hayaan na lang daw, at in God’s time, maaayos naman daw sila.

Pero ngayon talagang obvious na hindi siya okay sa pamilya niya dahil wala ni isa man lang sa kanila ang pumunta sa opening ng exhibit niya nung nakaraang linggo.

Pati nga ang isang malaking painting na ginawa ni Heart na iniregalo sa kanyang Daddy ay ipinasoli ito dahil ang sabi raw baka masira lang dahil naka-display ito sa beach house nila. Kaya ibinenta na lang niya sa exhibit niya at naniniwala si Heart na mas mamahalin itong painting na ‘yun ng taong nakabili.

Hay, naku! Masalimuot ang pamilyang ito. Pero wala pang tatalo sa pamilya Barrretto.

‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING