Heart Evangelista, gusto nang makipagbati kay Marian Rivera

ADVERTISING

Heart Evangelista, gusto nang makipagbati kay Marian Rivera

Marian-Rivera-Heart-EvangelistaNAKU, HA! Mga bloggers na lang nga ang in-invite sa 19th anniversary ng Startalk nu’ng nakaraang linggo, naglikha pa ng intriga!

May isang blogger doon na naglabas ng isyung may sama raw ng loob si Heart sa GMA 7 dahil sa naka-focus lang daw ang Kapuso Network sa kasalang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Nilinaw ni Heart sa Startalk nu’ng kamakalawa lang na wala siyang sinabing ganu’n.

Una raw, hindi naman siya natanong tungkol du’n, kaya wala siyang ganu’ng sagot.

ADVERTISING

Kung natanong man daw siya sa ganu’ng intriga, tiyak na hindi raw ‘yun ang isasagot niya.

Malaki raw ang utang na loob niya sa GMA 7 at wala raw siyang mairereklamo sa pagtrato sa kanya ng Kapuso Network.

Kaya sinabi roon ni Heart kung saan napanood ang kabuuan ng interview na kung saan wala namang ganu’ng tanong sa kanya.

Masayang-masaya ngayon si Heart sa nalalapit na kasal niya, at gusto niyang maging positive na lang ang lahat.

Sa totoo lang, sinabi nga niyang magkaroon lang ng pagkakataon, makikipagbati na raw siya kay Marian para masaya na ang lahat, at wala nang isyu.

“Masaya na ako, gusto ko wala nang negative. Positive na lang lahat,” pahayag ni Heart nang nagsalita ito sa Startalk.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING