Heart Evangelista, gusto na ring magka-baby

Heart Evangelista, gusto na ring magka-baby

Heart Evangelista
Heart Evangelista

Sa estado ni Heart Evangelista na mahigit isang taon nang kasal sa mister na si Sen. Chiz Escudero, siya man ay nakalutang kung ano ang magiging buhay niya pagkatapos ng eleksyon sa May 9.

Ang mister niya ay tumatakbong vice president ng bansa sa tambalan nila ni Sen. Grace Poe.

Kung ano man ang magiging kahihinatnan at resulta ng eleksyon, doon malalaman ng aktres ang magiging buhay niya after the kaguluhan.

Kahit sinong babae, gusto ring magka-baby. Pangarap din ito ni Heart at ng mister niya.

Sa kabila ng kabisihan ng pangangampanya at sa pagte-taping nila ng bagong romcom na pagsasamahan nila ni Dennis Trillo na “Juan Happy Love Story” na mapanonood sa Kapuso Network simula May 16, floating si Heart Evangelista kung ano ang magiging buhay niya.

Kung sakaling manalo ang mister bilang “bise” may plano si Happy (ang pangalan ni Heart sa serye). At kung sakaling matalo man, may plano na rin siya.

Pero bilang miron sa buhay nila ng mister, naghihintay rin kami sa magandang balita kung kalian nga ba sila magkaka-baby ng asawa niya.

Dapat pagkatapos ng eleksyon, manalo man o matalo, simulan na nina Heart at Chiz ang magbuo ng sarili nilang pamilya.

Reyted K
By RK VillaCorta