Heart Evangelista goodbye na sa paggawa ng teleserye

NAPAKABILIS talaga ng takbo ng mga araw! Akalain mo na sa Biyernes ay magtatapos na ang romance-comedy series ng GMA na ‘I Left My Heart in Sorsogon‘?! Parang kailan lang nang i-promote ng ‘adult’ leads na sina Richard Yap, Paolo Contis at Heart Evangelista ang kanilang proyekto.

Heart Evangelista goodbye na sa paggawa ng teleserye
Heart Evangelista

On its short but memorable run ay naipakita sa mga televiewers ang ganda ng Sorsogon. Napagbigyan din ang mga fans ni Heart Evangelista na matagal nang nagrerequest na magbalik-teleserye ito. Bago ito ay 2017 pa nagtapos ang ‘My Korean Jagiya’ na pinagtambalan nila ng K-pop idol na si Alexander Lee (ex-member of U-Kiss).

Madami din ang naging curious sa first team-up nila ni Richard Yap, na nagsilbing debut series ng Chinito actor sa GMA. S’yempre, madami din ang na-curious kung paano gagampanan ni Paolo Contis ang kanyang teleserye leading man role knowing na may mga kontrobersiya itong nasangkutan noong nakaraang taon.

Kahit na matagumpay ang ‘I Left My Heart in Sorsogon’, mukhang buo na ang desisyon ni Heart na tumigil na sa paggawa ng mga teleserye.

Sa Twitter noong February 5 ay ni-quote nito ang isang article ng GMANetwork kung saan sinabi niya na habang pinapanood niya ang programa ay napagtanto niya na mahal pa rin pala niya ang pag-arte.

“Acting will always be a first love but for soap operas maybe it’s time for me to graduate. I’ll miss it very much.” tweet ni Heart.

Well, mukhang dapat na ngang sulitin ng mga fans ni Heart ang mga natitirang araw na mapapanood nila ang kanilang idol sa primetime. ‘Di bale, active na active naman ito sa kanyang YouTube channel at may tsika na may ginagawa diumano itong proyekto under Netflix. Hmmm… Bling Empire?

Anyway, sa big screen ay sa ‘Trophy Wife’ pa noong 2014 natin huling napanood si Heart. What about a movie comeback, Hearty?

Previous articleJodi Sta. Maria sinubukang hanapin ang biological dad
Next articleVLOG WATCH: Get to Know Bianca Umali more on her ‘Draw My Life’ video (kaiyak!)