Heart Evangelista, dismayado sa kanyang network?

ADVERTISING

Heart Evangelista, dismayado sa kanyang network?

Heart -EvangelistaINAMIN DAW ni Heart Evangelista sa isang blogger na disappointed siya sa GMA-7 dahil mas pinapaboran daw nito ang Marian Rivera-Dingdong Dantes wedding over her forthcoming kasalan kay Senator Chiz Escudero.

Lumabas sa isang website ang chika ng blogger na medyo na-off si Heart dahil mas priority ng network ang Marian-Dingdong wedding.

Akala namin ay walang kinikilingan, walang prinoprotektahan ang GMA-7, meron pala.

Don’t fret, Heart. Hindi ka lang naman ang nakararamdam ng ganyan. Ang daming tao sa social media na ganyan din ang feeling. Sukang-suka na nga sila sa Marian news na lumalabas sa network. Say nga ng isang matapang na observer sa Facebook, parati na lang daw Marian stories ang ibinabalita ng network kaya sukang-suka na siya.

ADVERTISING

Ang tingin ngayon ng marami ay nanggagaya na naman si Heart kay Marian dahil isang Dubai-based Pinoy designer ang pinili niyang gumawa ng isa pa niyang wedding gown, si Ezra Santos.

Da who si Ezra? He’s a famous couturier in Dubai who has dressed up the likes of Lady Gaga, Paris Hilton and Nicole Scherzinger. Sa local naman, si Anne Curtis ay nakapagsuot na ng Ezra gown.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING