Heart Evangelista, ‘di masaya ang mga magulang sa pagpapakasal

ADVERTISING

Heart Evangelista, ‘di masaya ang mga magulang sa pagpapakasal

Heart-EvangelistaNAKAKATSIKAHAN KO rin minsan si Heart Evangelista kapag nag-Startalk kami, mukhang naayos na rin ang wedding nila ni Sen. Chiz Escudero sa February 2015.

ADVERTISING

Kaya lang may ilang nagkukomento sa huling interview kay Heart na wala raw balak na dumalo ang mga magulang niya.

Nandiyan naman daw ang basbas at hindi na raw nila ito kokontrahin, pero hindi lang daw kayang panoorin si Heart na ikinakasal na.

Naku! ‘Di ba dapat masaya ka na para sa anak mo?

ADVERTISING

Ayoko na ring negahin ‘yan pero sana okay na talaga sila at puwede na nilang harapin at tanggapin si Sen. Chiz.

Balak pa naman ni Sen. Chiz na mamanhikan, pero mukhang hindi pa sila okay. Kaya naghihintay lang daw sila.

Sana nga magkaayos para masaya naman tingnan na mismong mga magulang ni Heart ang naghahatid sa kanya sa altar.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING