Heart Evangelista-Chiz Escudero wedding, inulan ng batikos

Heart Evangelista-Chiz Escudero wedding, inulan ng batikos

Chiz-Escudero-Heart-EvangelistaSOME BASHERS can really be so ill-informed if not stupid.

Presumably identified with the couple’s nemesis, binutasan ng mga ito ang fabulosang Balesin island wedding nina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista, harping on the pork barrel issue na siya umanong pinanggastos ng mambabatas sa okasyong ‘yon.

Kung hindi ba naman misinformed ang mga bashers na ‘yon, are they not aware of Chiz’s family background, ang mga holdings ng angkan nito at integridad meron ang pulitiko from Sorsogon para pagbintangang mula sa kabang-yaman ng gobyerno nagmula ultimo talulot ng bulaklak sa kanilang pag-iisang-dibdib nila ni Heart?

Ang listahan ng mga who’s who sa buong bansa na nagsilbing principal sponsors at distinguished guests nina Chiz at Heart speaks for itself! These are the country’s top billionaires, self-made ones who became rich and famous at walang bahid-dungis ang pagkatao!

Nag-research dapat ang mga bobong bashers na ‘yon, na mabuti-buti sana kung mga tax payers na may silbi sa bayan!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III