Heart Evangelista at Chiz Escudero, ‘di pa nagsasama sa iisang bubong

Heart Evangelista at Chiz Escudero, ‘di pa nagsasama sa iisang bubong

Heart-Evangelista-Chiz-EscuderoAN ESTIMATED crowd of 5,000 turned up sa Sorsogon party thrown by Senator Chiz Escudero and Mrs. Heart Evangelista-Escudero last February 21, three days after the Manila reception of their Balesin wedding (February 15).

Idinaos ‘yon sa Buhatan, Sorsogon City right at the sprawling Escudero residence amidst the trees, trees and trees. Take note, wala raw bakod o fence ang tahanang ‘yon where anybody can just storm in.

Ipinakuwento namin sa maybahay ng mambabatas (Heart resumed her hosting stint on Startalk last Saturday) kung ano ang naging atmosphere sa balwarte ng kanyang mister. “Ang saya-saya, parang fiesta! It was my first time to witness such a big party. Nandu’n ‘yung mga barangay officials, and we hopped from one table to another. It started at 3 pm, and natapos ng 7:30 rin ng gabi,” Heart beamed.

Bandang gabi raw nang makaramdam na ang TV host-actress ng pananakit ng leeg. “Nakakapagod but it was all worth it. Iba talaga kapag sa probinsiya, people there are so warm. Tapos, nalaman pa nila that my mom is from Sorsogon, lalo silang na-excite. ‘Ay, taga-Sorsogon din pala ang mother mo?’ Parang may connection kami agad.”

Already married, magkasama na ba sila sa iisang bubong? “Hindi pa, Chiz would sleep over kasi magkapit-bahay lang kami (at a subdivision), eh.”

Honeymoon will also follow soon. Wala pa lang daw time ang newlyweds to open their gifts na nakatambak muna sa unit ni Heart.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III