Heart Evangelista at Cesca Litton, parehas ng taste sa pareho nilang ex na si Jericho Rosales

ADVERTISING

Heart-Evangelista-Cesca-Litton-Jericho-RosalesANG ISA pang inaabangang kasal ay ang kina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Nagsalita na nga ang aktres sa Startalk nu’ng kamakalawa ng hapon, at humingi ito ng sorry kina Cesca Litton at ang groom to be niya, dahil sa pagkakaroon ng konting gulo sa schedule ng kanilang kasal.

Nag-decide na rin naman sina Heart at Sen. Chiz na gagawin nang February 15 ang kanilang kasal na gaganapin sa Balesin Island sa Quezon.

Pero napagdesisyunan na rin nina Cesca at Tyke na sa ibang lugar na lang sila magpakasal. Kaya maayos na.

ADVERTISING

Gusto nga ni Heart na kausapin sana si Cesca, pero naayos naman agad kaya hindi na nagkaroon ng chance na makapag-usap sila.

Biniro ko nga si Heart na pareho sila ni Cesca na ex-girlfriend ni Jericho Rosales na ikinasal din sa beach. Natawa na lang si Heart.

Sabi nga niya, mukhang pare-pareho talaga sila ng taste dahil type nila ang magpakasal sa beach. ‘Di ba sa Boracay naman kinasal si Jericho?

Okay lang kay Heart na pag-usapan ang mga exes niya dahil masaya na siya at kampante sa relasyon nila ni Sen. Chiz.

Basta ang focus lang niya ngayon, ang preparasyon sa kanilang kasal, at happy at excited sila sa malaking event na ‘yun sa kanilang buhay.

So far, inaayos na nila ang buong entourage at nasilip ko nga ang ibang pangalan sa listahan ng mga ninong at ninang.

Na-confirm lang sa amin ni Heart, si Pres. Noynoy Aquino ang bestman ni Sen. Chiz. Bongga, ‘di ba?

ANG ISA pang inaabangang kasal ay ang kina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING