Heart Evangelista at Carla Abellana, pinagtutulungan si Marian Rivera?

Heart Evangelista at Carla Abellana, pinagtutulungan si Marian Rivera?

Carla-Abellana-Heart-EvangelistaIPATATAWAG DAW ng executives ng Siyete sina Heart Evangelista and Carla Abellana for ganging up on Marian Rivera.

Nalaman daw kasi ng mga executives ng Siyete na tila pinagtutulungan ng dalawa ang dyowa ni Dingdong Dantes. Pinatututsadahan daw nila ito sa social media.

Nakakaloka lang ang move na ito ng GMA executives, that is kung totoo nga. Kasi, noong nasangkot si Marian sa mga away kina Bela Padilla, Katrina Halili at Heart ay wala namang silang ginawang move. Ay, meron pala, nu’ng pinag-meeT nila sina Marian at Bela sa office ng dati nilang executive na si Wilma Galvante. Paglabas nga ni Marian ay ang taray-taray pa rin niya.

Clearly, merong nagsumbong sa executives tungkol sa issue kina Marian at Heart and Marian at Carla. May mga dalahirang affected much sa issues.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas