Heart Evangelista at Carla Abellana, patalbugan sa pag-i-Ingles

ADVERTISING

Heart  Evangelista at Carla Abellana, patalbugan sa pag-i-Ingles

Carla-Abellana-Heart-EvangelistaOUR INGLESERO friends only had words of sheer admiration sa natutukan nilang interview ni Heart Evangelista sa Startalk (April 13) kay Carla Abellana.

In her segment Heart of the Matter, the interview zeroed in on what “mattered” to the “heart” of Carla na umaming break na nga sila ng kanyang boyfriend of four years na si Geoff Eigenmann.

But more than Carla’s confession, our friends na matataray pagdating sa Ingles na daig pa ang mga propesor particularly took note kung gaano kahusay ang dalawang hitad sa wikang banyaga.

Heart may have been fed with questions written on the board, pero as always ay meron siyang sariling input o adlib. Napaka-spontaneous din ni Carla, na sa kabila ng kanyang madamdaming rebelasyon ay flawless ang kanyang pag-i-Ingles.

ADVERTISING

Truth is, bukod kina Heart at Carla sa hanay ng mga Kapuso stars, isa rin si Bela Padilla sa mga matatas pagdating sa pagsasalita ng wikang Ingles. Sayang nga lang at nasa TV5 na ang dating Kapuso actress na si Bianca King, she, too, is just as fluent.

Katuwaan tuloy ng aming mga kaibigang Inglesero: sinu-sino raw ba sa mga artistang babae sa ABS-CBN ang puwedeng ipantapat kina Heart, Carla at Bela sa departamentong ito?

Anne Curtis? Check. Julia Barretto? Check. But both are much younger. As we write now, wala na kaming iba pang maisip.

Lest we be accused na ang pamantayan namin sa pagiging matalino ay sa pamamagitan lang ng pag-i-Ingles, hindi ito ang sukatan. Pero sa tanggapin man natin o hindi, isang napakalaking bentahe ang pagsasalita ng itinuturing nating ikalawang lengguwahe.

As if naman na kapag nag-a-apply ka ng anumang trabaho ay Tagalog ang karaniwang itinatanong sa aplikante ng kinatawan ng departamentong human resources o personnel. Na karaniwang nagtapos ng kursong (Industrial) Psychology.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING