Heart Evangelista, binulabog ni Cristine Reyes! – Lolit Solis

ADVERTISING

Heart Evangelista, binulabog ni Cristine Reyes! - Lolit Solis Heart Evangelista, binulabog ni Cristine Reyes! - Lolit SolisMAY PELIKULANG PINAGSASAMAHAN ngayon sina Heart Evangelista at Dennis Trillo, ang Mano Po 6 kaya tuloy sila ang naiintriga at muling naungkat ang isyu sa kanila ni Cristine Reyes, kung saan ginulu-gulo raw ni Cristine noon si Heart nang na-link ito kay Dennis.

Matagal nang nangyari ‘yun pero natanong na naman uli ito kay Heart at sinagot naman ng aktres dahil nagulat daw talaga siya noon nang nakatanggap siya ng text mula kay Cristine.

ADVERTISING

Ang pagkakasabi nga ni Heart ay binulabog daw siya ni Cristine noon na ikinaloka niya dahil wala naman talagang namagitan sa kanila ni Dennis.

Kaagad na ipinarating daw ‘yun ni Heart kay Jun Lalin, at nag-sorry naman daw si Cristine thru Jun nang nalaman niya ang totoong kuwento.

Sabi ni Heart, okay na raw sa kanya ‘yung pag-sorry ni Cristine na ipinadaan kay Jun at hindi na raw nila kailangang pag-usapan ‘yun.

ADVERTISING

Pagkatapos ng insidenteng ‘yun, nagkita raw sila sa birthday party ni Anabelle Rama at hindi na raw nila pinag-usapan ‘yun pero hindi naman daw sila okay na okay na talaga. Basta tapos na raw ‘yun at hindi na kailangang maungkat pa.

Kaya lang, may pelikula namang pinu-promote si Cristine, itong Ang Darling Kong Aswang with Vic Sotto kaya tinatanong din ito sa kanya na itinatanggi naman niya.

Matagal na raw silang walang konek ni Dennis bakit pa raw niya guguluhin si Heart.

Hay, naku! Mukhang panibagong gulo na naman ito kapag masulsulan ang dalawa. Abangan na lang natin dahil hindi ito titigilan ng mga reporter lalo na’t lagi silang nakikita sa promo ng mga pelikula nilang entry sa MMFF.

Kung may balak man si Dennis na ligawan nga si Heart, nauudlot tuloy dahil sa mga intrigang ito.

Kaya lang, dapat alamin muna ni Dennis, dahil ang dinig ko talagang nagkakaigihan na raw sina Heart at ang dating boyfriend nitong pulitiko na si Ian Dy, at baka nagkabalikan na nga ang dalawa.

NAKUMPIRMA NA NINA Paolo Contis at Lian Paz na girl ang kanilang magiging baby pagkatapos magpa-check-up ng huli at nalaman ito sa ultrasound.

Excited lalo si Paolo dahil tingin nito, ang ganda-ganda ng kanilang magiging anak dahil feeling niya maganda raw ang kumbinasyon nila ni Lian.

Mahigit anim na buwan na yata ang dinadala ngayon ni Lian at ang expected due nito sa March na baka maging ka-birthday pa ni Paolo sa March 14. Naisip daw nila na ipapangalan sa kanilang baby girl ay Xonia.

Pinag-uusapan na rin nila ngayon kung sino ang magiging ninong at ninang ng bata at kasali yata si Mark Herras na ex-boyfriend ni Lian na malapit naman kay Paolo.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING