Heart Evangelista, binalikan ang pagpapaseksi para kumita

INALALA ng one and only Heart Evangelista ang isang daring shoot na ginawa niya para sa kalendaryo ng isang alak para kumita ng pera.

Ibinahagi ito ng Kapuso Queen of Creative Collaborations sa kanyang Instagram stories.

“I can’t believe I did this hahah #tanduay shoot 2014. My mom confiscated my money so I needed to do this. Hahah Hirap kumita,” sambit ni Heart.

Heart Evangelista, binalikan ang pagpapaseksi para kumita
Heart Evangelista

Sa isa pang story ay nilagay niya ang caption na “Mamatay ako sa stress!” kalakip ang isa sa kanyang sexy pictorial.

Ibinahagi rin niya ang isang behind the scene shot. “Sad eyes. Stressed. Literally wanted to cry here! Hahaha what an experience,”

Naglagay rin siya ng isang larawan kung saan siya ay nakasuot ng red lingerie. Ito raw ang pinakapaborito niya sa pictorial pero nireject ito.

“This was my favorite but it wasn’t too sexy – so they didn’t like it I think! Haha (more me),” pagbabalik-tanaw nito.

Ayon kay Heart, na-enjoy naman niya ang photoshoot na ito, pero hindi na raw niya ito uulitin.

“This was my favorite but it wasn’t too sexy – so they didn’t like it I think! Haha (more me),” aniya.

Binalikan din niya ang isa sa pinakamasakit na interview na ginawa niya sa telebisyon kung saan ibinunyag niya ang mga paghihirap na pinagdaraanan niya dahil sa pagiging mahigpit ng kanyang ina.

Heart Evangelista, binalikan ang pagpapaseksi para kumita
Heart Evangelista

“After 7 years rewatched this painful interview… made me look at my old pictures and struggles nobody knew about … wow all I can say… thank you God for guiding me. I always believe in having a childlike faith… I finally got my happy life,”

“People may say this and that because they only see the ‘finished product’ but nobody knows what you had to go through to be where you are so… cheers to life! Cheers to where it has taken you! LIVE to the fullest.” Heart shares.

Sa ngayon ay masasabi natin na Heart is in a better place sa kanyang buhay bilang maybahay ni Sorsogon Governor Chiz Escudero. Bongga rin ang kanyang YouTube channel na milyon ang subscribers, isa pa rin siya sa most trusted product endorsers ng bansa at nakatakda na rin ang kanyang pagbabalik sa paggawa ng teleserye via the show ‘I Left My Heart in Sorsogon’ kasama si Richard Yap.