Heart Evangelista bids showbiz goodbye?!

SA TAKOT NA maintriga pa, nagkulong daw sa dressing room ng Star Awards si Toni Gonzaga. Isa sa hosts ng nasabing awards night si Toni at lumalabas lang daw ito ng kanyang room kapag turn na niyang mag-host.

Marami kasi ang bumatikos sa kanyang may katarayang pahayag sa The Buzz kung saan sinabi niya na ang opinion niya ay napapanood sa TV, samantalang ang opinyon ng ibang tao ay hanggang sa internet lang.

May kinalaman ang pahayag ni Toni tungkol sa revelation niya na magkahiwalay na sina John Prats at Rachelle Ann Go, bagay na hindi naging maganda sa paningin ng mga tagahanga ng dalawa. Dahil sa kanyang unauthorized revelation ay marami ang nagsabing may pagka-tsismosa pala itong si Toni.

Samantala, ipinagtanggol naman ni Alex Gonzaga ang kanyang ka-patid laban sa mga batikos dito.

“Ang feeling ko kasi siyempre trabaho niya ‘yun, eh. Trabaho niya ‘yon and doon sa show nila parang siya ‘yung ini-expect na magsasabi, parang gano’n,” esplika ni Alex na isa sa hosts ng Hey! Hey! It’s Saberdey!.

Itsinika ni Alex na kinausap niya ang kanyang sister tungkol sa issue. “Sabi naman niya, ‘sabi ko naman feeling ko lang naman’. Ang sabi ko sa kanya, ‘wag mo na lang intindihin kung may manlait sa ‘yong iba. Ang problemahin mo baka si John (Prats) or si Bianca (Manalo), na-offend sa ginawa mo. Hindi naman daw. Okay naman daw.”

Sabi pa ni Alex, tanggap naman ng kanyang kapatid na may hindi magkakagusto sa kanyang mga opinyon.

“Siguro ngayon na nasa The Buzz ang ate ko, parang mas naging open na siya sa mga ganyan. Kaya nga ano, siyempre, ano, trabaho ‘yon, eh. Minsan, kami nagsisikretuhan kami. ‘Hmmm, sasabihin mo sa Juicy’. Hmmm, sa-sabihin mo sa ‘The Buzz’,” aniya.

TRUE TO WHAT was whispered to us, nagbabu si Heart Evangelista pansamantala sa showbiz para makasama ang dyowang si Daniel Matsunaga sa kanyang bayang sini-langan, ang Brazil.

Wala namang issue sana roon. It’s just that she flew just as when Regal Films is preparing for the promo of her movie with Marian Rivera, Solenn Heussaff, and Rufa Mae Quinto. As a movie star, part of her responsibility is to promote the movie she’s done.

Clearly, iniiwasan ni Heart na maungkat ang away nila ni Ma-rian. Ayaw niyang maintriga kaya umiwas siyang mag-promote. She wants the issue to die a natural death since no one seems to be ready to talk about it. No, not even Marian, it seems.

Kung mag-flop ang movie, hindi kaya i-blame si Heart? Kung kumita naman ito, we’re pretty sure na hindi rin naman kay Heart ibibigay ang credit. Either way, si Heart ang talo.

Oh, well, panalo naman siya sa usaping pag-ibig so that shouldn’t matter. Hindi ba, Daniel Matsunaga?

BLIND ITEM: TRUE kaya ang nasagap naming tsika na nang-ombag ng isang gay fan ang isang actor dahil hinipuan siya nito?

Nag-show ang actor kasama ang ilang celebrities sa isang malayong probinsiya. Pinagkaguluhan siya dahil sikat naman talaga siya ngayon. Pagbaba raw ng stage ng actor ay may isang baklitang nandakma ng kanyang harapan. Nahuli ito ng actor at kina-ladkad daw ito sa banyo at doon ay dyinombag ang beauty nito.

Since ini-lock daw ng actor ang pinto ng comfort room ay walang nakapasok para tingnan kung ano ang nangyayari. Basta paglabas na lamang daw ng actor ay galit na galit pa rin ito. Duguan naman daw na lu-mabas ang baklita.

Sinex ang nambugbog diumano na actor? Naku, ang daming babae ngayong naloloko sa kanya.

‘Yun na!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleSarah Geronimo’s transfer to TV5, inevitable?!
Next articleLuis Manzano stays overnight at Jennylyn Mercado’s house?!

No posts to display