Heart Evangelista, balik-telebisyon sa ‘I Left My Heart in Sorsogon’

NAKATAKDA nang magbalik-telebisyon ang Queen of Creative Collaboration at isa sa pinakamamahal na Kapuso Queens na si Heart Evangelista.

Matagal-tagal na rin hindi gumagawa ng teleserye si Heart kaya siguradong matutuwa ang fans niya sa balitang ito. Huling napanood si Heart sa Filipino-Korean series na ‘My Korean Jagiya‘ na pinagbidahan nila ni Alexander Lee na dating miyembro ng K-Pop group na U-Kiss. Sa kasalukuyan ay ipinapalabas ang reruns nito sa GMA.

Heart Evangelista, balik-telebisyon sa 'I Left My Heart in Sorsogon'
Heart Evangelista

Mismong si Heart na ang nagkumpirma sa kanyang social media accounts na magbibida ito sa upcoming series na ‘I Left My Heart in Sorsogon‘.

“Excited to go back to tv and highlight my love for Sorsogon :) I left my Heart in Sorsogon soon on GMA #mahalkongsorsogon” tweet ni Heart na ikinagiliw ng kanyang followers.

Nagpatikim pa ang aktres ng mga teasers para sa kanyang teleserye comeback.

“Yes for my upcoming teleserye -I left my Heart in Sorsogon – you will see a lot of fashion [Red heart] and a whole lot of Sorsogon ! #mahalkongsorsogon”

“I Left my Heart in Sorsogon will be a teleserye with a lot of Chanel!” pahabol pa nito with Heart emoji.

Nagpakita na ng positive feedback ang mga followers ng aktres na nagsasabing excited sila sa pagbabalik-telebison ni Heart at maganda raw na madidiscover lalo ng mga tao ang magandang probinsya ng Sorsogon sa pamamagitan ng kanyang upcoming primetime series.

Habang naka-quarantine ay nabusy si Heart sa pag-aliw sa atin sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlogs at Tiktok videos, na talaga naman nakakaaliw ang ‘kaartehan’ ng paborito nating fashionista!

Ayon sa GMA-7, ang bagong proyekto ni Heart ay tungkol sa isang babae na ang status bilang isang fashion socialite ay mayayanig nang bumalik ito sa kanyang hometown (Sorsogon), muling pagkilala sa lugar na kinalakihan, pagrediscover sa kanyang pinagmulan at pag-usbong ng pagmamahal ulit sa kanyang pamilya, komunidad at sa isang ex. Bongga, ‘di ba?

Congratulations Heart sa iyong bagong show! Sigurado kami na mamahalin din ng televiewers ang minamahal mong Sorsogon!