Heart Evangelista balik-primetime sa ‘I Left My Heart in Sorsogon’

MATAGAL-TAGAL na rin natin hindi napapanood sa primetime si Heart Evangelista. Ang huli niya ay ang romance-comedy series na ‘My Korean Jagiya’ kung saan nakapareha niya ang KPop Idol na si Alexander Lee. Nagtapos ang serye noong January 2018.

Pagkatapos magconcentrate sa kanyang highly successful vlog channel at samu’t saring creative pursuits ay muling binalikan ni Heart ang pag-arte sa bagong serye ng GMA-7 na ‘I Left My Heart in Sorsogon‘, na mag-uumpisa na ngayong gabi.

Heart Evangelista balik-primetime sa 'I Left My Heart in Sorsogon'
Heart Evangelista

Heart Evangelista will play the role of Celeste, isang successful fashion designer na ipinanganak sa probinsya ng Sorsogon. Kahit na siya ay in a relationship with a charming widower named Tonito (Richard Yap), hindi pa rin fully accepted ng anak nito na si Tiff (Kyline Alcantara) at ng pamilya ni Tonito ang kanilang relasyon.

Sa kanyang pagbabalik sa probinsya ay muli niyang makakasalubong ang ex-boyfriend and first love na si Mikoy (Paolo Contis). May mga feelings ba na magbabalik? Sino sa dalawa ang pipiliin ng ating fashionistang bida?

Siguradong marami na naman ang maiinlove sa bagong karakter na gagampanan ni Heart Evangelista as Celeste! Isa siya sa pinakamamahal nating romcom queens simula pa nang siya ay mag-umpisa ng kanyang karera as a teen actress sa ABS-CBN. It is nice to finally see her in primetime series again. Plus points pa na pogi ang kanyang leading men at ang backdrop pa ay ang magandang probinsya ng Sorsogon! Mahal Kong Sorsogon for real!

Sa big screen kaya, kailan ang pagbabalik ni Heart Evangelista?

Mapapanood na ang ‘I Left My Heart in Sorsogon’ ngayong gabi pagkatapos ng 24 Oras. Pa-kilig at pa-good vibes muna tayo!