Heart Evangelista, ayaw nang isapubliko ang pakikipag-ayos sa mga magulang

Heart-EvangelistaHINDI LANG namin nakasama si Heart Evangelista sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado, pero nagpa-interview naman siya sa amin na masayang-masaya siya ngayon dahil sa sinagot daw ng Diyos ang matagal na niyang dinadasal na magkakaayos na silang magulang at tatanggapin na nila si Sen. Chiz Escudero.

Nangyari na nga ito at nakasama nga nila nu’ng nag-celebrate ang Mommy niya ng kaarawan niya.

Ayaw na kasi sanang pag-usapan pa ito ni Heart dahil mas gusto nilang private na lang ang pagkakaayos nila dahil ayaw na ng Mommy niya na magsalita pa.

Basta ngayon ay okay na okay na raw sila, madalas na niyang nakakasama ang Mommy at Daddy niya, kapag wala lang siyang trabaho.

Kaya naniniwala raw talaga siya na basta idinadasal mo lang sa Diyos, ibibigay niya talaga sa ‘yo ‘yan!

Magiging abala na si Heart sa bagong drama series niyang Beautiful Strangers at malamang na mapag-usapan na uli ‘yan kapag ipu-promote na niya. Isi-share naman ni Heart ‘yan, pero nakiusap na huwag na raw sanang kulitin ang Mommy niya na magsalita, dahil mas gusto raw ng Mommy  niya na tahimik na lang.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articlePooh at K Brosas, shocking ang love scene sa movie
Next articlePauleen Luna, ‘wag daw pangunahan ang kasal nila ni Vic Sotto

No posts to display