Heart Evangelista, atat nang magbuntis

ADVERTISING

Heart Evangelista, atat nang magbuntis

Hear--EvangelistaGUSTO NA palang mabuntis ni Heart Evangelista pagkatapos nilang magpakasal ni Sen. Chiz Escudero.

ADVERTISING

Paliwanag ni Heart, “Last year kasi meron silang nakitang cyst sa labas ng uterus ko.

“It was not a hindrance naman for me of having a baby. I was under observation, pero nitong huling punta ko nawala na ‘yun.

“Binigyan na ako ng doktor ng briefing na ‘you know you should be careful. You should really think about having a child earlier because madami na puwedeng mga complications’. Mga ganyan, and because may nakitang cyst sa akin last year. Parang ngayon na I should be thankful na it made me realize na huwag ko nang isipin ang sarili ko at isipin ko na rin ang magiging anak ko, and dapat na healthy’ng-healthy ako, it would be best to have a child earlier. So, iniisip ko 31 or 32 puwede na.”

ADVERTISING

Pero kung sakaling makabuo na raw sila agad, okay na rin siya para ma-enjoy na rin daw nila ni Sen. Chiz ang kanilang baby.

Ngayon daw ay abala si Heart sa paghahanda sa kanilang kasal sa Balesin Island sa Quezon.

Ang mga ninong at ninang nila ay 15 pairs at ang bridesmaid daw niya at groomsmen ay 14 pairs niya. Hindi pa raw kabilang ang mga junior groomsmen niya at ang little bridesmaid niya.

Pero hindi pa raw nila napag-uusapan ang pamamanhikan dahil hindi pa rin pala handa ang Daddy at Mommy niya.

Sabi raw ng Daddy niya, okay naman daw sila sa pagpapakasal, pero huwag na raw mamanhikan dahil hindi pa rin daw sila handa.

Kaya hindi pa masabi ni Heart kung makakasama ba niya ang parents niya sa kanilang kasal.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING