Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, sumisingit sa pagbuo ng baby sa gitna ng kampanyahan

Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, sumisingit sa pagbuo ng baby sa gitna ng kampanyahan

Heart Evangelista and Sen. Chiz Escudero
Heart Evangelista and Sen. Chiz Escudero

Isang dinner-tsikahan ‘yun kagabi, May 4, sa isang restaurant sa may Scout area. Humarap ang mag-asawang Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista sa ilang piling entertainment press para magpasalamat sa mga tulong na nagawa sa kanila.

“Manalo o matalo man, we want to thank you all in advance,” panimula ni Sen. Chiz Escudero na inayudahan naman ng misis.

Hindi pulitika ang tsismisan. Tsikang kaswal lang ‘yun. Personalan na hinaluan ng konting kaseksihan at kapilyuhan ni Sen. Chiz.

Napangiti ako sa pahayag na Sen. Chiz na in between sa kapaguran niya sa pangangampanya, he and Heart tries to make a baby pa rin. In short, sumisingit-singit pa rin in between campaigns at trabahong pulitika.

Siyempre, pangarap ‘yun ng mag-asawa na magkaanak na agad. Pero right after ng eleksyon (sa Tuesday, May 10) ay matutulog siya anang matutulog para mabawi ang pagod at puyat ng nagdaang kampanya, kuwento ni Sen. Chiz sa amin.

Nalaman namin na hindi pa pala nagha-“honeymoon” ang dalawa mula nang ikasal sila.

“I want to go to Europe but I’m scared,” sabi ni Heart.

Hindi siya kampante sa mga kaganapan na nagaganap sa Europe kamakailan. Biro nga ni Sen. Chiz, go local na lang daw sila. In short, magha-honeymoon sila sa mga best tourist spots sa bansa.

Halatang excited si Heart Evangelista na magkaroon ng sarili nilang baby kaya nga nang mangampanya sila sa isang depressed area sa Maynila, tuwang-tuwa siya sa mga bata na lumalapit sa kanya. Kaya lalo siyang naging pursigido na right after the election at magsisimula na sila ng mister na buuin ang sarili nilang pamilya.

Itong weekend, nakatakda umuwi ng Sorsogon ang mag-asawa para roon bumoto.

“Doon na kami naka-register. Doon na ako boboto,” kuwento ni Heart.

After the election sa Lunes, back to normal ang buhay ng mag-asawa. Si Sen. Chz, kung hindi man maluklok bilang bise presidente, babalik siya sa Senado to finish his responsibilities in the next 3 years.

Si Heart naman, magiging busy sa kanyang bagong teleserye sa GMA 7 na “Juan Happy Love Story” with Dennis Trillo na magsisimula na sa May 16.

In fairness, sa mga nakapanood ng advance preview ng sexy-romcom ng dalawa, very daring daw si Heart at kaiba ang ganap niya sa kanyang role sa serye.

Good luck na lang kay Sen. Chiz sa Lunes.

Reyted K
By RK VillaCorta