Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, itinuloy ang naudlot na honeymoon sa Balesin Island

ADVERTISING

Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, itinuloy ang naudlot na honeymoon sa Balesin Island

Hearty Evangelista and Sen. Chiz Escudero (Photo courtesy: Heart Evangelista’s Instagram account)
Hearty Evangelista and Sen. Chiz Escudero (Photo courtesy: Heart Evangelista’s Instagram account)

Akala ko matagal pa magaganap ang pulot-gata ng mag-asawang naudlot ang “honeymoon” matapos silang maikasal.

ADVERTISING

‘Yun pala, after the election, sugod agad sina Sen. Chiz Escudero at ang misis niya na si Hear Evangelista sa Balesin Island (kung saan doon din sila ikinasal) para ipagpatuloy ang naunsyami nilang honeymoon at labing-labing.

Yes, ‘di nga ba’t super excited na ang mag-asawa na magkaroon ng sarili nilang pamilya at baby kaya nang magkaroon ng chance na makapuslit last weekend ay lumarga na sila sa isla.

Kaya ang akala kong honeymoon na hindi pa matutuloy ay naisakatuparan na rin sa wakas last weekend.

ADVERTISING

Kaya ang pagkakaroon nila ng baby ay hindi na pala made-delay kundi malapit na.

Habang wala pang sesyon sa Senado at hindi pa ngaragan ang taping ng bagong sexy romcom ni Heart Evangelista sa GMA 7 Kapuso Network na magsisimula ngayong gabi (May 16) na “Juan Happy Love Story” with Dennis Trillo, ratsada na sila sa pagbubuo, dahil ‘pag nagkataon at maging busy si Sen. Chiz Escudero, malamang sa hindi, pag uuwi ito sa haybols nila, laspag at wala nang lakas si Senador para mag-labing-labing sa kanyang misis.

Sa bagong serye ni Heart, makakasama niya sina Ms. Gloria Romero, Joross Gamboa, at si Nick Lizaso.

Nakabalik na yesterday (Sunday) ang mag-asawa galing Balesin Island from their honeymoon based sa IG posting ni Heart sa kanyang account.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING