Heart Evangelista at mga magulang, nagkaayos na?

ADVERTISING

Heart Evangelista at mga magulang, nagkaayos na?

Heart-EvangelistaMUKHANG NAGKAAYOS na si Heart Evangelista at ang kanyang mga magulang, kasama ang asawa niyang si Sen. Chiz Escudero, ha?!

Abangan n’yo sa Startalk kung magkukuwento si Heart dahil wala pa naman siyang sinasabi sa kanyang Instagram account.

Napagdududahan lang na okay na dahil sa ipinost nito nu’ng Linggo nang dinalaw siya ng kanyang Mommy at Daddy.

Kuwento ng mga bading sa akin, nakikita raw nila sa mga pinu-post ni Heart na masayang-masaya ito na naka-dinner ang magulang niya.

ADVERTISING

Ang isang post niya ay ang litrato ng Daddy niya at sinabi nga niyang dinalaw siya ng Mommy at Daddy niya. Hindi lang kasama sa litrato ang Mommy.

Ang sumunod naman ang picture ng sosyal na tea set at sinabi niyang ‘yun daw ang “happiest dinner” niya.

Kasama kaya sa dinner na ‘yun si Sen. Chiz? Kaya happiest na? Nagkakaayos na nga kaya sila?

Kasi ang isa pang niyang post ay nag-emote na siya na nagpapasalamat sa Diyos sa magandang blessing na dumating sa kanya.

Sabi niya, “love conquers all…a childlike faith and a hopeful heart is all you need…I believed He heard my prayers and He saw my heart…this is the happiest day of my life delight in the Lord and He will give you the desires of your heart.

“Finally… ‘buo’ na ang puso ko. Thank You for moving that very mountain.”

Kaya kalkalin talaga namin si Heart kung ano ba talaga ang nangyari.

Noon pa man ay sinasabi niyang ayaw niyang i-showbiz kung sakaling magkakaayos na sila.

Pero siyempre, isi-share naman siguro sa atin ni Heart ‘yan dahil good news naman ‘yan, eh!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING