Heart Evangelista, abala sa paghahanda sa bridal shower

Heart Evangelista, abala sa paghahanda sa bridal shower

Heart-EvangelistaPINAGKAKAABALAHAN NGAYON ng Startalk team ang bridal shower para kay Heart Evangelista. Sa Lunes ito gaganapin sa may Fernbrook Gardens sa Las Piñas.

Dadaluhan ito ng mga close friends niya sa showbiz at pati ang mga fans niya na close sa kanya. Meron yata siyang Heartworld na tinatawag na laging nakasubaybay sa kanya.

Ang inaasahan sanang mag-surprise kay Heart ay ang Mommy niya, pero nasa Amerika pa rin pala ito nagbabakasyon. Matagal na raw ito sa Amerika na nagbabakasyon at ang sabi nga raw hindi siya dadalo sa kasal ni Heart.

Pero mas kilala ni Heart ang Mommy niya at alam daw niyang darating ‘yan bago ang kanyang kasal.

Hindi lang daw niya sure kung darating sila ng Daddy niya sa kasal, dahil hanggang ngayon sinasabi pa rin sa kanya na hindi sila sisipot.

Sabi naman ni Heart, nagkausap na sila nang maayos ng Daddy niya nu’ng bagong taon at nagkakaintindihan na raw sila.

Pero siyempre, wish pa rin talaga ni Heart na maging bahagi ng kasal niya sa February 15 ang magulang niya.

Hinihintay pa rin daw niya ang chance na magkaayos sila at makausap daw sana ni Sen. Chiz ang mga magulang niya.

Ilang beses na raw nag-attempt si Sen. Chiz na kausapin ang magulang niya pero hindi pa rin daw talaga puwede, kaya maghihintay lang daw sila ng tamang panahon.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis