Heart Evangelista, ‘di binibigyan ng trabaho ng Siyete?!

ADVERTISING

Heart Evangelista, ‘di binibigyan ng trabaho ng Siyete?!

Heart Evangelista, ‘di binibigyan ng trabaho ng Siyete?!HEART EVANGELISTA IS the least bothered by her lack of assignment in the Kapuso Network. She is not the type who will sulk in one corner just because she has no new show.

ADVERTISING

Since marami siyang panahon ngayon to enjoy herself, she’s set to travel in New York alone come October, bagay na hindi magagawa ng iba riyan na umaasa sa showbiz para mabuhay nang marangya.

“It’s okay of they don’t give me work cause I’m really taking my time to contemplate. Okay lang din. Parang I’m building up my thinking of all these things that I want to do. Ewan ko kung I’m maturing also from it, gathering my strength on what I’m about to do next,” tsika ni Heart.

Itinanggi ng dalaga na babalik siya sa Dos. Natsismis kasing nagparamdam siya sa Kapamilya Network nang umapir siya sa Star Magic Ball recently. Ang totoo pala, inimbitahan siya nina Mr. M at Mariole Alberto para um-attend ng ball.

ADVERTISING

Nakalaan pala talaga kay Heart ang isang role sa Cain at Abel. Nasabi na ito sa kanya ng isang executive ng GMA-7 kaya lang biglang nagkaroon ng bulilyaso at biglang hindi na siya tuloy. Sinabihan pa ang kampo ni Heart ng executive na hindi ibibigay sa iba ang role ni Heart.

Does this TV executive knows the meaning of palabra de honor?

 

Heart Evangelista, ‘di binibigyan ng trabaho ng Siyete?!

NAGMALDITA RAW SI Erich Gonzales sa Star Magic Ball.

Bineso-beso kasi ni Erich ang nauna sa kanyang bumati na kapwa niya Star Circle Quest contestant nang makita siya nito.

Ang Erich, ouf of courtesy ay bumati rin naman. Matapos bumeso, nagdayalog daw ng ganito ang bida ng Maria la del Barrio, “Hello, ang ganda mo naman!” sabay talikod.

Siyempre, naloka ang aktres. Hindi niya akalain na ganoon ang magiging reaksyon sa kanya ni Erich.

She thought she will be more warm to her dahil matagal silang hindi nagkita bukod pa sa katotohanan na kapwa niya ito questor noon sa SCQ kahit na mas nauna ito sa kanya.

 

BLIND ITEM: NALOKA pala ang isang junior action star dati nang ligawan niya ang isang TV host.

Nagpasabi kasi ang macho star na gusto niyang dumalaw sa bahay ng isang sikat na female host. Pumayag naman kaagad ang hitad.

At sa sobrang excitement, naku, ang lola n’yo ibinalita kaagad sa kanyang reporter-friends ang planong pagdalaw ng bago niyang suitor with matching invitation na rin sa movie scribes.

Noong araw ng pagdalaw ng action star, naloka na lang siya dahil nadatnan niya sa condo ng host ang apat na reporter. But gentleman that he is, tumuloy pa rin siya. You can only imagine his discomfiture in the situation that he was in at that time.

With that scenario, hindi na nasundan pa ang pagdalaw ng actor sa taklesang host.

Da who ang action star? Naku, kasama siya sa seryeng ang tema ay pinasikat ng isang controversial group of players.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING