Hearing ng kaso ni Vhong Navarro, inabot ng 10 oras

ADVERTISING

Hearing ng kaso ni Vhong Navarro, inabot ng 10 oras

Vhong-Navarro AYAW NAMANG patulan ng abogado ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga ang drama ng lola ni Deniece Cornejo na si Florencia Cornejo. ‘Di ba nagpa-blotter pa siya dahil sa itinulak daw siya at niyugyog ni Atty. Mallonga nu’ng magkita sila sa comfort room?
Nagkuwento si Atty. Mallonga nu’ng nagkita sila sa CR, pero wala raw ganu’ng pangyayari na itinulak pa niya ang lola ni Deniece. Bakit naman daw niya gagawin ‘yun?
Sabi pa ni Atty. Mallonga, may witness daw siya roon dahil kasama raw niya du’n sa CR si Prosecutor Hazel Decena-Valdez ng DOJ, at wala raw ganu’ng pangyayari.
Tinanong lang daw niya si Lola Florencia bakit siya nagsuot ng T-shirt na “Justice for Deniece, Jail the Rapist”. Saka parang inaabangan daw nu’ng lola si Vhong na pumasok din sa CR katabi sa CR nila. Iniiwas lang ni Atty. Mallonga na maulit pa uli ‘yung nangyari nu’ng unang hearing na binulyawan niya si Vhong.
Kaya lang binaligtad na nga si Atty. Mallonga. Pero ayaw na raw patulan pa ito ng abogado ni Vhong dahil mas naka-focus daw siya ngayon sa kaso ng aktor. Ayaw na raw niyang magpa-destruct pa dahil gumaganda raw kasi ngayon ang takbo ng kaso ni Vhong.
Inabot pala ng sampung oras ang hearing na ‘yun ni Vhong, dahil tinapos daw nila ang pagsalang kay Vhong sa witness stand. Sabi ni Atty. Mallonga, maayos daw ang mga pahayag ni Vhong, at kahit nagisa ito nang husto ng mga abogado ng mga akusado, hindi raw ito nataranta. Maayos daw niyang inilahad ang lahat na ginawa sa kanya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING